^

PSN Opinyon

BITAG kaisa sa pagsulong ng Special Education

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

EDUKASYON ang isa sa pinakamahalagang bagay sa buhay ng isang indibidwal. Higit pa ito sa malaking bahay, maga­rang sasakyan o limpak-limpak na kayaman. Dahil ang edukasyon, kailanman ay hindi mananakaw ninuman.

Pero ang nakalulungkot na katotohanan, hindi ito natu­tukan at nabigyang prayoridad. Taun-taon ay laman ng balita ang kakulangan ng mga silid aralan at gamit sa eskuwelahan. Idagdag pa yung tumataas na bilang ng mga mag-aaral. Habang ang bilang ng mga guro, di naman nadadagdagan.

Ilan lamang ito sa mga dahilan kung bakit marami sa mga guro ang unti-unti na ring nawawalan ng gana sa ka­ni­lang propesyon. Isama pa ang kakarampot na suwel­dong natatanggap nila sa isang buwan na hindi akma sa kanilang paghihirap at sakripisyo. Isa ito sa mga problemang nakaantig sa Presidente. Unang hakbang na ginawa niya, itaas ang suweldo ng mga guro. Sa ganitong paraan, marami ang maeengganyo na maging teacher. Magiging daan din ito para mas pagbutihin nila ang kanilang trabaho.

Hindi biro ang pagiging isang guro. Isa ito sa mga pro­pesyong dugo at pawis ang puhunan bago makamtan ang tagumpay. Kaya nararapat lamang na sila’y pahalagahan. Bagay na ginagawa ngayon ng kasalukuyang admi­nistrasyon.

Noong Biyernes, inaprubahan na rin ng Department of Budget and Management (DBM) ang hiling ng Department of Education (DepEd) na pagbubukas ng 1,310 positions para sa Special Education (SPED) teachers sa bansa na may Sa­lary Grade 14 o total annual compensation na P455,839.

Malaking bagay ang hakbang na ito hindi lang para sa mga nagbabalak pumasok bilang guro kundi maging sa magulang ng mga batang may special needs. Sila ‘yung mga madalas naisasantabi at napapabayaan. Samantalang sila dapat ‘yung mas pinagtutuunan ng pansin dahil espesyal ang kanilang pangangailangan. Ang mga ganitong proyekto ang dapat binibigyang importansya ng gobyerno.

Hindi lamang ito maituturing na effort lamang ng national government. Malaki ang magiging papel ng bawat lokal na gobyerno maging maliliit na ahensiya ng pamahalaan para maging matagumpay ang proyektong ito. Makakatulong ang buong komunidad para magkaroon ng normal na pamumuhay at kalagayan sa lipunan ang mga tinatawag na children with special needs.

vuukle comment

DEPARTMENT OF EDUCATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with