^

PSN Opinyon

BITAG, instrumento sa batas kontra manyakol

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

ADBOKASIYA na ng BITAG ang tumulong sa mga biktima ng krimen at inhustisya. Sa tagal ng panahon, di na mabilang ang mga kasong nakarating sa amin.

Di na bago sa’min ang karamihan sa mga reklamo. Isa na rito ang sextortion.

Maraming katawagan at kapareho ang modus na ito, pero kadalasan, babae ang biktima. Sex blackmail, sex chat, at iba pa.  

Hindi sa pagmamayabang, pero naging instrumento ang BITAG sa pagbuo ng batas laban sa mga ito. Republic Act 9995, o  Anti Photo and Video Voyeurism Act of 2009.

Malaki ang naging parte ng grupo ng BITAG dahil sa rami ng aming mga natutulungang  biktima. Sinamahan pa ng pagkalat ng isang sex video ng isang sikat na personalidad sa telebisyon.

Nagkaroon ng interes ang isang congressman at pinanukalang gawing batas, and the rest is history. Sa ilalim ng RA 9995 pinarurusahan ang sinumang mayroon at nagpapakalat ng mga pribadong bidyo o larawan ng isang indibidwal.

Nito lamang, may nasampolan na naman kami. Nakilala ang biktima online. Kinuha ang loob at minanipula ang biktima hanggang sa makuha ang gusto.

Nang sumama na ang relasyon, kinalat sa mga kaanak ng biktima ang litrato at video. Hulog sa BITAG ang loko-loko. Isasampa sa kanya ang RA 9995 at maghihimas na siya ng matatabang rehas.  

Mga boss, tatapusin ko uli ang kolum na ito bilang public service. Kung mangyari man sa inyo ito, huwag kayong pumayag, very private ang inyong litrato. Huwag kayong papayag sa dikta ng inyong mga boyfriend.

 

Hayaan n’yong sila magkandarapa at lumuhod. Sinabi ko na ito dati pero di ako magsasawang ulit-ulitin. Kung magpumilit man, iwanan n’yo na.

No-holds-barred. Hindi gawain ng totoong lalaki ang humingi ng hubad na larawan sa kanyang girlfriend. May tinatamaan ba sa inyo?   

Pero sakali mang mabiktima kayo, huwag kayong mag-atubiling lumapit sa amin.

vuukle comment

SEXTORTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with