^

PSN Opinyon

Vanilla supply nagkukulang

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

BAKIT nagkukulang ang vanilla sa buong mundo? Kaya tuloy kumokonti at nagmamahal ang paboritong ice cream, tsokolate, at pabango? Tinitipid ng chefs ang konting natitira nilang stocks. Ang wholesale price ay pumapalo sa $500-$600 kada kilo, mula $50-$60 nu’ng taong 2000. Inalam ng The Economist ang nangya­yari.

Madagascar ang nagsu-supply ng 80-85% ng na­tural vanilla sa mundo. Dinala roon ng mga kolonyalistang French ang Bourbon vanilla, gumagapang na orchid vine mula Mexico at South America. Vanilla ang 20% ng ex­ports ng Madagascar, $600 milyon ang pinapasok na kita. Pero maselan palakihin. Tatlo hanggang apat na taon bago gumulang ang vine, dalawa kung galing sa matabang cuttings. Isang araw lang kada taon namumu­laklak, kaya kinakamay ang pollination. Makalipas ang siyam na buwan pinipitas-kamay ang berdeng beans sa tamang hinog para makatas sa vanillin, na nagpa­palasa at amoy vanilla. Mula Mayo ang anihan sa hilaga hanggang Agosto sa gitnang Madagascar, makalipas ang tag-bagyo. Ilang buwan ang unti-unting pagtutuyo sa araw. Anim na daang hand-pollinated na bulaklak para magbunga ng anim na kilong beans, na nagiging isang kilo ng tuyong bunga.

Nakipag-price cartel ang Madagascar sa mga islang Comoros at Réunion. Dahil sa kamahalan ng natural vanilla, naimbento nu’ng dekada-1980 ang bersiyong synthetic pero low quality mula sa wood pulp at petrolyo. Bu­mago rito ang mga higanteng pabrika ng pagkain, gatas, tsokolate, at pabango. Nanlupaypay ang mga taniman sa Madagascar. Naging housing ang mga lupain.

Nitong kasalukuyang dekada nagiging maselan ang mga mamimili. Nais nila natural ingredients lahat, kabilang ang vanilla. Tinalikuran ang lasang synthetic. Na­ngako ang Nestlé atbp. pabrika nu’ng 2015 na puro natural ang mga produkto. Saka pa lang nabuhay muli ang tanimang vanilla, na aabutin muna nang ilang taon.

vuukle comment

VANILLA SUPPLY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with