^

PSN Opinyon

Senegal: kakaibang tugon sa prostitusyon

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

LUMUNDAG nang 150% ang impeksiyon ng HIV sa Pilipinas nu’ng 2016 mula 2010 -- pinaka-mataas sa Asia-Pacific. At pinaka-maraming bagong nagka-AIDS sa Pilipinas nu’ng 2017 ay 11,103, o mahigit 30 kada araw -- pinaka-marami sa rehiyon. Pinaka-nakakahawa ang pabayang pagtatalik ng lalaki sa lalaki, sa transgender, at sa sex workers. Para na ring napabayaang pook sa ibaba ng Sahara sa Africa ang Pilipinas. Sa 16 na magkakapit-bansa roon 37% ng sex workers ay HIV-positive. Inaapi pa sila ng karahasan sa kababaihan, batas kontra prostitusyon, at kapabayaan sa kalusugan. Kinikikilan ng mga pulis; inaalipin ng mga sindikatong kri­minal.

Pero isang bansa roon, ang Senegal, ay tila exempted sa mga problemang ‘yon. Ang dahilan ay ang kakaibang patakaran nito sa prostitusyon, ayon sa Economist.

Legal ang prostitusyon sa Senegal, pero may mga alituntunin.

May ID cards ang babaeng sex workers, para mabig­yan sila ng libreng pag-aalagang kalusugan, pagpapa­gamot, condoms, at edukasyon. Ginaya ng Senegal ang kalakaran ng dating kolonyalistang France. Bagamat maraming mga lumayang bansa mula sa France ang umiba, isinabatas sa Senegal ang regulasyon ng estado sa prostitusyon -- kontra sa pagkalat ng sexually-transmitted disease.

Kumpara sa mga kapit-bansa, mabilis natugunan ng Senegal ang AIDS epidemic nu’ng dekada-1980. Dahil dati nang rehistrado ang sex workers, madali silang naturuan ng pag-iingat. Karapatan ng babae na maging sex worker pagtuntong sa edad-21. Obligado ang buwa­nang check-up para ma-renew ang lisensiya. Kung maysakit, suspendido ang lisensiya; kapag magaling na, balik lisen­siya.

Aminado ang Senegal na marami pang butas ang sistema. Una, maraming sex workers na lalaki ang hindi rehistrado. At may babae na ayaw magrehistro dahil sa diskriminisasyon sa sariling baryo.

vuukle comment

AIDS

HIV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with