^

PSN Showbiz

Manny hindi nahalatang sumailalim sa angiogram

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Manny hindi nahalatang  sumailalim sa angiogram
Manny

Shocked ang lahat sa rebelasyon na sumailalim sa angiogram procedure si Papa Manny Pacquiao ilang araw bago naganap ang Fight of Champions, ang boxing match nila ni Lucas Matthysse sa Axiata Arena, Kuala Lumpur, Malaysia, noong July 15 na pinanood namin.

Inilihim ni Papa Manny ang medical procedure sa kanya sa Cardinal Santos Memorial Medical Center para hindi mag-aalala ang pamilya at fans niya.

Hindi naman itinanggi ni Papa Manny ang medical procedure na pinagdaanan at siya mismo ang nagsabi na kung may nakita na diperensya ang mga doktor sa kanyang puso, hindi niya itutuloy ang laban nila ni Matthysse.

Walang nakahalata na may naranasan na health scare si Papa Manny kahit nang nakausap namin siya sa kanyang suite sa Le Meridein Hotel bago ang laban dahil fit na fit siya sa bakbakan nila ni Matthysse na pinaluhod pa niya ng tatlong beses sa boxing arena. Ang sigla-sigla pa nga niya at nakiki­pagbiruan pa nang bisitahin namin siya  bago naganap ang bakbakan nila ni Matthysse.

Nadagdagan ang paghanga at respeto ng fans kay Papa Manny dahil sa pagmamahal na ipinakita nito sa propesyon niya kaya siya talaga ang nag-iisa na Pambansang Kamao natin.

Mayweather Jr. tameme pa sa hamong rematch ni Manny

Dahil international boxing superstar ang kategorya ni Papa Manny, big news sa buong mundo ang health condition niya at ang discovery na may inborn heart ailment siya.

Wala nang dapat ipag-alala ang fans and supporters ni Papa Manny dahil maayos na maayos ang kalusugan niya.

Handang-handa na nga siya na lumaban uli ng boxing at si Floyd Maywea­ther, Jr. ang hinahamon niya ng rematch. Ang tanong, willing ba si Mayweather Jr. na makipagsagupaan sa Pinoy Boxing Champ?

Hinihintay lang ni Papa Manny ang sagot ni Mayweather, Jr. dahil kapag pumayag ito, wala nang dahilan para magbago siya ng isip.

Dalawang aktres na may inisan, tumangging  magkasama kahit maganda ang offer 

Lumalawak ang gap sa pagitan ng dalawang aktres na magkasama sa isang television show.

Mga invited guest ang dalawa sa isang event pero sinadya ni Actress A na magpahuli nang dating para hindi sila magpang-abot ni Actress B.

Nagtagumpay ang drama ni Actress A dahil nakaalis na si Actress B nang dumating siya sa event.

Ang tsismis, insecure na insecure si Actress A kay Actress B dahil ito ang napapansin sa show nila. Hindi matanggap ni Actress A na mas magaling umarte si Actress B kaya ito ang madalas na pinupuri ng viewers ng kanilang programa.

May offer na another project para sa dalawa pero hindi magkakaroon ng katuparan dahil imbyerna nga si Actress A kay Actress B.

Tapatan ni Victor  Magtanggol at ng Ang Probinsyano kasado na!

Ito ang mga latest update tungkol sa timeslots ng mga coming soon primetime show ng GMA 7.

Matutuloy ang tapatan ng Ang Probinsyano at ng Victor Magtanggol ni Alden Richards dahil ang Onanay na ang ilalagay sa timeslot ng Kambal Karibal na magwawakas sa August 3.

May balita noon na nagkaroon ng balak ang management ng GMA 7 na ipalit sa Kambal Karibal ang primetime show ni Alden pero as of presstime, ang Victor Magtanggol na talaga ang replacement sa The Cure.

Highly-anticipated ang pagsisimula ng Victor Magtanggol dahil sa mga teaser na ipinapakita ng Kapuso Network na gustong-gusto ng televiewers, bata at matatanda.

I’m sure, excited na si Alden sa nalalapit na pagsisimula ng Victor Magtanggol at kung kinakabahan man siya, normal na nararamdaman ito ng lahat ng mga artista na may mga bagong pelikula at television show na ipalalabas. Kung excited ang fans, si Alden pa kaya eh siya ang bida ng Victor Magtanggol?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with