^

PSN Opinyon

Baluktot

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

NAG-SORRY ba talaga ang Angono Police sa inilabas nilang paalala sa kababaihan upang makaiwas sa rape? Sa kanilang mga social media site, makikita pa rin ang kontrobersyal na sampung utos (anong panama ng Ten Commandments?) para hindi mabiktima.

 Sa mga hindi makaintindi kung bakit pumuputok ang butsi ng mga aktibistang kababaihan, basahin na lamang ang payo ng ating magigiting na pulis. Huwag magsuot ng maikling damit. Huwag uminom ng alak. Huwag makipagdate. Etc. Maliban sa pagiging panghimasok sa kalayaan ng bawat isang makapamili ng kung paano siya kikilos, ang pagtala ng mga abisong ito ay tanda ng makitid na mentalidad na sisihin ang biktima sa kapalarang inabot imbes na ang kriminal sa kanyang maling ikinilos.

 Saan ka naman nakakita na ang pulis pa ang nagpapaliwanag sa inaasta ng kriminal – na hindi naman sana mapapakilos ito ng masama kung hindi sana tinukso ng biktima?

 Ang tawag sa ganitong pagtatakip sa nasasakdal at pagsisi ng biktima ay “victim shaming”. Ang paliwanag­ ng mga eksperto, kapag nabubulabog ang ating pag­ka­tiwasay, mas napapanatag tayo na sumandal sa matagal nang nakasanayang realidad. Kapag kumalas sa nakagawiang pagkilos, ito’y nakabibigla sa lahat at mahirap tanggapin. Kung kaya ang sisisihin ay iyun pang walang kamuwang muwang na napagdiskitahan lang – dahil iyon ang naging sanhi ng pagbago sa ugali ng nagkasala.

 Para na ring sinabi ng mga pulis na kapag may naga­­nap na rape, titingnan lang ang suot ng babae.Kapag sexy manamit, pawawalang sala na ang hayok na nanggahasa. Kasalanan na ng biktima. Ginusto niya! At patuloy pa rin nila itong ipinipilit dahil sa paliwanag nilang “brotherly advice­” lang ang kanilang intensyon.

 Ang ganitong pag-iisip ng kapulisan ang pinakama­bisang paraan upang mailayo sa kanila ang tiwala ng ma­mamayan. Kanino pa tatakbo ang ating mga inosenteng kapatid at anak na nag-date, napainom, nagbihis ng maiksi, mga gawaing hindi bawal at hindi krimen, kung sila’y napagtripan? Kapag ang mga alagad ng batas na nanumpang puprotekta sa kanila ay imbes na ginhawa ang idulot ay sisi pa ang isusumbat?

vuukle comment

ERNESTO P. MACEDA JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with