^

PSN Opinyon

Taumbayan muna

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

WALA nga bang sapat na pananalapi ang pamahalaan kung kaya dapat ipatupad ang Tax Reform for Accelaration and Inclusion Law (TRAIN) kahit ang nakukuba sa pagtaas sa presyo ng mga bilihin ay taumbayan?

Ayon kay Sen. Bam Aquino, may pera ang kaban ng bayan. Ito ay mula sa P390-bilyong budget na hindi naga­mit noong 2017. Sa pamamagitan ng perang ito, maipatu­tupad ang mga nakabinbing proyekto ng pamahalaan.

Matindi na ang epekto ng TRAIN law sa presyo ng mga paninda, bagamat totoong may ibang dahilan sa nangyayaring inflation. Pangunahin dito ang pagtaas sa presyo ng krudong langis sa world market na dahilan din kung bakit tumataas ang presyo ng ibang mga produktong tinatangkilik ng mga karaniwang mamamayan. Tapos, idaragdag pa ang excise tax na sinisingil ng pamahalaan, lalung bumibigat ang pasanin ng karaniwang mamamayan.

Dapat unahin ang kapakanan ng mamamayan bago ang ano pa man. Umuutang ang pamahalaan ng napaka­dambuhalang halaga para sa tinatawag na Build, Build, Build Program na tayong mga kawawang mamamayan ang magbabayad. Malamang, pati yung mga kaapu-apuhan natin na hindi pa ipinapanganak ay ipagpapatuloy ang pagbabayad sa utang na iyan kapag nawala na tayo sa mundo.

Naniniwala ako na kung ganap na masusugpo ang graft and corruption at masisingil ang tamang buwis, sapat-sapat ang pananalapi ng ating inambayan. Kaso, hindi tulu­yang masugpo ang smuggling at mga tiwaling maniningil ng buwis na nakikipagkutsaba sa mga negos­yante para paliitin ang tax na binabayaran ng mga ito.

Kawawa palagi ang mararalita. Kunwa’y mayroon tayong PhilHealth pero napakarami ng nagrereklamo na hindi nila magamit ang prebilehiyong ito sa mga pribadong pagamutan. Kaya ulitin natin ang apela: Unahin po sana ang kapakanan ng taumbayan, lalu na yaong mga mahihirap.

vuukle comment

TAX REFORM FOR ACCELARATION AND INCLUSION LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with