^

PSN Opinyon

Bumalik na ang bangis ni Pacman

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

AKO’Y naniniwala na may super power pa si Manny “Pacman” Pacquiao. Ipinakita niya noong linggo na kaya pa niyang maging World Champion. Kahit na ma­rami ang kumontra at panawagan na kailangan na niyang magretiro. Hindi na tayo sigurado kung kakagatin ni Manny ang pagreretiro dahil siyempre galing siya sa sunud-sunod na pagkatalo. Ngayon mas excited siyang lumaban at bawiin ang mga koronang naagaw sa kanya. Sa tingin ko atat na atat yan humingi ng rematch sa mga tumalo sa kanya. Nakita ko sa laban nila ni Lucas Matthysse na bumalik na ang mga pamatay na kamao ni Manny.

Noong una akala ko rin tagilid na si Manny kay Matthysse dahil nga sa kanyang edad. Marami ang pumusta sa kalaban dahil nawalan na nga ng gana sa sunud-sunod na pagkatalo. Ang hindi ko maintindihan sa ating mga kababayan ay hanggang ngayon ayaw pa rin tantanan ang pagbabatikos sa ating pambansang kamao. Dapat nga tayo ang unang sumuporta kay Manny dahil kapag siya ay nakikipaglaban halos walang krimen na nagaganap sa ating bansa. Dahil kahit sila ay sumusu­baybay din sa mga laban ni Manny. Ayaw ba natin ‘yon na napagkakaisa niya tayong mga Pilipino? Hindi man maamin ng marami yan na ang kaligayahan nating mga Pinoy ang makita si Manny sa ring at nakikipagba­lug­bugan sa kapwa nya boksingero.

Nakita ko ang mga huling laban ni Manny na naging bara-bara, minamadaling patumbahin ang mga kalaban kaya ayun siya ang napuruhan. Pero ngayon ipinakita niya na isa pa rin siyang scientific boxer. Hindi lang bilis ang pinamalas kundi pati isip ay gumana kaya taob si Matthysse sa kanya.

Tantanan na ang batikos kay Manny. Imbes na siraan, suportahan na lang natin siya sa mga susunod pa niyang mga laban.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with