^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Huwag basta isubo ang federalism

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Huwag basta isubo ang federalism

MANGMANG pa ang taumbayan sa sistemang federal. Wala silang alam ukol dito kaya hindi kataka-taka kung 67 percent ng mamamayan ay tanggihan ang isinusulong na pagbabago ng Kons­titusyon patungo sa federalismo. Zero ang mamamayan ukol dito kaya nararapat munang i-educate sila. Hindi puwedeng kara-karakang nag­handa ng pagkain sa hapag at saka ipasusubo sa mga tao. Mali ang hakbang na ito sapagkat ma­aaring mabuhay ang alaala ng Marcos regime na pinagpilitan ang kanyang gusto sa mga tao. Sapilitan ang pagsubo at paglunok sa mapait na pagkain.

Hindi dapat madaliin ang pagpapalit ng Konsti­tusyon sa panahong ito. Kailangang dumaan muna sa maraming pag-aaral, pag-aanalisa at pagsi­siyasat ang iniaalok na sistema. Marami ring tanong ang dapat sagutin bago ito isubo.

Kung mapalitan ba ng federal system ang kasa­lukuyang sistema, uunlad ba ang buhay ng mamamayan? Sa anong paraan makakakuha ng mabuting serbisyo ang mamamayan kapag na­ging­ federal? Sa paghingi ng hustisya, sigurado bang mabilis na gagalaw ang batas? Mawawala ba ang angkan-angkang pamamayani ng pulitiko kapag federal o mas lalo pang lulubha? Tiyak bang walang magrerebelde kapag hinati-hati na sa bawat rehiyon ang bansa? Masisiguro bang walang rehiyon na hihiwalay kapag naging federal?

Marami pang katanungan ukol sa pagpapalit ng sistemang pulitikal kaya nararapat ang puspusang pag-aaral ukol dito. Kung hindi masasa­got nang malinaw ang mga katanungan lalo na ang tungkol sa isyu ng kadahupan ng buhay ng mamamayan, hindi dapat matuloy ang pagpapalit ng Konstitusyon.

Kailangang maipaalam o maipabatid nang malinaw sa mamamayan ang draft ng bagong Kons­titusyon. Isalin sa Tagalog para maunawaan ng mga mahihirap. Kapag hindi ito ginawa at nagkasya na lamang sa walang kabuluhang pakikipag-argumento, hindi ito papasa sa mamamayan.

vuukle comment

FEDERALISM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with