^

PSN Opinyon

Umpisahan na

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

NAGING palaisipan ang mungkahing “Draft Constitution” na pinaghirapan ng President’s Consultative Committee ng nakalipas na anim na buwan. Tulad nang ina­asahan, maraming bagong probisyon ang umani ng ob­serbasyon, kapwa positibo at negatibo. Kabilang dito ang mas pinaigting na Bill of Rights, ang talaan ng ating­ mga karapatan bilang mamamayan na hindi maaring balewalain ng gobyerno. Halos lahat ng komentaryo rito ay pabor. 

Tinitimbang din ang probisyon sa Lehislatibo at Hudi­katura na parehong lumobo – mas maraming senador at kongresista. Magiging 36 na ang senador (2 kada 18 rehiyon) at 400 na ang congressman. Ang dating nag-iisang Mataas na Hukuman ay hiniwalay na sa apat na Matataas na Hukumang Federal. Isang Supreme Court, isang Constitutional Court, isang Administrative Court at isang Election Court. Kung dati’y 15 lang ang ating mga mahistrado, ngayon ay 42 na ang paghahatian ng apat na Korte.

 Marami pa rito ang pag-uusapan. Mungkahing tatalakayin ito ng ating mga kongresista at senador. Maari nilang itsa puwera ang dokumento at gamitin ang sarili nilang nakalap na impormasyon. Sa ngayon nga ay mayroon na ring mga sinumite na draft sa kani-kanilang Committee na inuumpisahan na rin nilang himayin. Su­balit, kahit papaano, susuriin pa rin ang bersiyon na pro­dukto ng pawis at tiyaga ng mga delegadong itinalaga ng Pangulo. Dahil sila’y hinirang ni PRRD, maituturing na suhestyon mismo ng Malacañang ang kanilang pa­nukala.

 Dahil nagmula sa Pangulo, ang kontrobersiyal sa mga probisyon ay ang basbas na maari itong mahalal muli bilang Pangulo sa 2022. Hindi naman malaman ni PRRD kung bakit ipinilit ito ng ConCom kung kaya siya mismo ang nagpatanggal. Ngayon ay malinaw nang nakasaad na ang incumbent na Pangulo ay bawal tumakbo sa 2022.

 Marami pang obserbasyon na hinog na pag-usapan. Ang mahalaga ay ito’y napapag-usapan na. Seryoso ang administrasyon sa ideya ng Federalismo sa pamamagitan ng pagbago ng Saligang Batas. Tutol man tayo ay kailangan din intindihin ang isinusulong nang makapagpasiya kung ito’y nararapat na pag-isipan.

vuukle comment

PRESIDENT’S CONSULTATIVE COMMITTEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with