^

PSN Opinyon

Skyjet napipintong isubasta

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

KINUMPISKA ng Bureau of Customs ang isang eroplano ng Skyjet sa isang hangar sa general aviation matapos mabuko na hindi pala ito nagbabayad ng buwis sa gobierno may ilang taon na ang nakakaraan.

Ang Skyjet aircraft, ay may body number RP-C8538 ay pag-aari umano ng Magnum Air Inc. Tinanggal na ito sa listahan ng List of Locators sa Subic Bay Freeport noong pang 2014.

Huminto ang operasyon ng Skyjet noong March 2017 matapos madiskubreng hindi nagbayad ng duties and taxes habang ginagamit ang eroplano sa pagsakay ng mga local tourist at chartered flights patungo sa iba’t-ibang lugar sa Philippines my Philippines.

Nagbigay ng ultimatum ang bureau oras na hindi magbayad ang may-ari ng eroplano ay isusubasta nila ito.

Abangan.

Mga kritiko ni Boss Digong

ANO kaya sa palagay ninyo, sino kaya ang maapektuhan oras na tumaas ang tensyon sa West Philippines my Philippines Sea?

Tahimik ang ginagawang pagbanat ng ilang mga kritiko sa gobierno ni Boss Digong sa pakikipag-kaibigan nito sa China.

Sabi nga, may mga ayaw dito!

Kaya ganoon na lamang kung bakbakan ang administrasyon ni Duterte.

Last week, sa mga survey na naglabasan na asar ang madlang pinoy sa pananahimik o kawalan ng aksyon sa nangyayari dyan sa West Philippines my Philippines Sea ng gobierno ni Boss Digong.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang may kumukumpas sa madlang people, pinag-iinit para huwag suportahan si Boss Digong sa pakikipag-friend nito sa China. 

Bakit kaya?

Kasi ang gusto ng mga kritiko ay gumawa ng ingay, mag-protesta para makarating sa UN at ASEAN ang nangyayari sa Philippines my Philippines na ginagawa ng China.

Ika nga, ang pangangamkam?

Ipinaliwanag ng gobierno ni Duterte na hindi natin binibitiwan ang teritoryo natin in favor sa China.

Sabi nga, hindi puedeng mabilisan ang kalalabasan sa diplomasyang pamamaraan pero ipinaglalaban naman ng gobierno ang ating pambansang interes sa pagpapalakas ng ugnayan sa China at iba pang bansa.

Gusto kasi ng mga kontra kay Boss Digong na bitawan nito ang magandang relasyon sa China at ibalik ang dating relasyon na puno ng tensyon, galit at iringan.

Sa palagay ninyo makakabuti ba ito o makakasama?

Ika nga, kayo ang humusga!

Sa nangyayari ngayon, ang mga mangingisda sa Scarbo­rough Shoal ay nakakahuli ng mga isdang gusto nilang hulihin hindi katulad ng nakaraan administrasyon na pinagtatabuyan sila ng mga tsekwa sa karagatan na sinasabing kanila.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, marami ang investor from China, turista nila at mga negosyante na nagbibigay ng karagdagan pondo sa ating economy.

‘Paano kung mawala sila?’ tanong ng kuwagong salawahan.

Mag-ingat tayo sa mga sulsol na gumigiba kay Boss Digong para tiyaking hindi magtatagumpay ang kanyang gobierno sa pag-aahon ng madlang pinoy sa kahirapan at katiwalian.

Abangan.

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with