^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Laging magdaos ng earthquake drill

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Laging magdaos  ng earthquake drill

GINUGUNITA ngayon ang ika-28 taon nang pagtama nang malakas na lindol (magnitude 7.8) sa Metro Manila, Central Luzon at Cordillera Region na ikinamatay nang mahigit 1,000 katao. Kung idinadaos na noon pa ang earthquake drill, maaaring kakaunti ang namatay at nasugatan. Wala pang nagsasagawa ng drill ng mga panahong iyon kaya marami ang nag-panic. Hindi alam ang gagawin lalo na ang mga nasa matataas na gusali. Isang hotel sa Baguio ang naguho at marami ang natabunan.

Mahalaga ang pagdaraos ng earthquake drill sapagkat naihahanda ang mga tao o occupants ng hotel, gusali, school at iba pa sa mga dapat gawin. Ang mga taong nasanay sa earthquake drill ay listo at alam ang mga gagawin kapag yumanig.

Ngayong taon na ito, maraming naitalang pag­yanig sa maraming bahagi ng bansa. Noong nakaraang linggo lamang, niyanig ng 5.1 magnitude na lindol ang Surigao del Norte. Dalawang magkasunod na araw na nakararanas ng pagyanig ang Surigao. Wala namang itinalang casualties. Ganunman, nakapagbibigay pangamba sa mamamayan ang pagyanig.

Ang mga nararanasang paglindol ay nagpapaalala sa mga pinuno ng mga bayan at lungsod na dapat magsagawa ng regular na earthquake drill. Noong nakaraang taon, nagsagawa ng earthquake drill ang mga ahensiya ng pamahalaan pero hindi gaanong napansin. Kulang sa anunsiyo kaya mabibilang ang mga nakiisa sa drill.

Laging nagpapaalala ang Philippine Institute on Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa mamamayan ukol sa pagtama ng “The Big One” sa Metro Manila. Ayon sa Phivolcs, anumang oras ay maaaring lumindol dahil sa paggalaw ng faultline. Ang faultline ay nagsisimula sa Montalban at dumadaan sa bahagi ng Quezon City, Pasig, Makati, Taguig at nagtatapos sa Cavite. Ayon sa Phivolcs, kapag tumama sa Metro Manila ang 7.2 magnitude na lindol, 37,000 katao ang mamamatay.

Regular na earthquake drill ang nararapat gawin. Hanggang ngayon, wala pang inihahayag ang Metro Manila Development Authority (MMDA) kung kailan magdaraos ng drill. Ang MMDA ay isa sa mga ahensiya na nangunguna sa drill.

Mahalagang maimulat ang mamamayan sa paghahanda sa lindol para maiwasan ang pagpa-panic at walang mamatay. Magsagawa na rin ng fire drill sapagkat karaniwang sumisiklab ang sunog kapag may lindol.

vuukle comment

EARTHQUAKE DRILL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with