^

PSN Opinyon

Serbisyo publikong may puso

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

ANG public service ay dapat lang na galing sa puso. May mga nagpa-public service kasi na gamit ang nguso – lip service kung tawagin.

Puro salita, kulang sa gawa. Kung mayroon man, hindi sincere ang pagtulong sa kapwa. Hindi ka puro satsat, may kaakibat na kilos prontong solusyon. 

Ang publiko, pagsisilbihan mo nang walang kapalit. Pero ang iba, mayroong gusto. May kapalit… boto o  recall.

Pagdating ng botohan, mayroong rehistro sa tao. Isama mo na ang ibang may mga pansariling interes.

Ibahin n’yo kami. Ang public service namin ay hindi papogi bagkus serbisyo publikong may puso. Walang bahid ng pagiging trapong pulitiko.

Nakikinig at nagbibigay importansya sa mga lumala-  pit sa amin. Pinupunan namin ang pangangailangan, maging tulong man o kaliwanagan. Sa mga nangangailangan ng tulong, bukas na bukas ang aming tanggapan.

Protektahan ang mga taong walang kakayanan at mga biktima ng inhustisya. Tulungan ang mga inapi. This is our brand of public service, matagal na. It has endured – proven and tested.

Maraming pagsubok na ang dumaan at, with God’s blessing, nanatili pa rin ang BITAG. Hindi naman kami tatagal kung hindi totoo ang aming pagtulong sa tao. We wouldn’t survive.   

Public service is our backbone. Lampas isang dekada na naming ginagawa ito at patuloy na gagawin. Hindi lang ito basta propesyon, kundi parte na ng aming pamumuhay. It’s a way of life.

At tulong talagang bukal sa puso, nakikita at nararamdaman ng tao. Hindi ‘yung paupo-upo ka lang, puro boladas ng bunganga. Tawag ko diyan ay arm chair public service. Get it?

Hindi ako pulitiko at wala akong balak pumasok sa magulo’t maruming mundo ng pulitika. Kahit maraming tao at mga followers ang nagsasabi, I’m not interested. Period

Sama ko na ‘yung mga maiingay sa media… nagmamagaan at naglalabasan ang mga mantika sa kanilang mukha sa dami ng exposure.  Nasasaktan ba kayo sa sinasabi ko? Bato-bato sa langit ang tamaan, talagang dapat mabukulan. Unfiltered

vuukle comment

PUBLIC SERVICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with