^

PSN Opinyon

Hindi dapat sapilitan ang pag-move-on

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

ILANG beses nang sinabi ni President Rodrigo Duterte na may personal siyang galit sa mga paring Katoliko. Nilalahat niya sila dahil minolestiya siya nu’ng bata pa ng isang Amerikanong Hesuwito sa Ateneo de Davao. Ayon sa balita, ang pari na ‘yon, si Mark Falvey, ay nanghalay ng siyam pang batang lalaki sa Los Angeles, California, kaya nagbayad ang Society of Jesus archdiocese ng $16-milyong damages. May kimkim ding personal na galit si Duterte sa Amerikano. Nilalahat niya sila kasi nu’ng mayor siya ng Davao City inimbita siya ng US embassy sa event sa America pero hindi siya pinapasok ng Immigration dahil sa pagpatay ng tao ng umano’y Davao Death Squad niya.

Tumatahimik na lang ang pamunuan ng Simbahang Katoliko sa mga panlalait ni Duterte. Maski nu’ng nagsabi siya ng “Body of Christ sa inyong igit (tae),” sa forum ng opisyales ng mga barangay sa Davao, 29 ng Disyembre 2016, nagwalang-salita na lang ang mga obispo. Ginagaya nila ang pananahimik ni Hesukristo sa panlalait nina Annas, Caiphas, at Herod. Katahimikan na lang daw ang maitutugon sa mga taong hindi naman makikinig sa katwiran mo. Katahimikan daw ang wastong sagot sa kalaswaan. Bukod du’n, karapatan ni Duterte ang magngitngit, at dapat ipagdasal ng mabubuting-loob ang pagkakataon niyang mag-move-on.

Sana ay tularan ng iba ang gan’ung pagtitimpi at pag-unawa, lalo na sa mga biktima ng malupit na martial law ni Ferdinand Marcos. Labing-apat na taon ang diktadurya, 1972-1986. Sa panahong ‘yon napatunayang hindi bababa sa 7,000 ang pinatay, ginahasa, ikinulong nang walang pag­lilitis, inaresto nang walang warrant, pinagkaitan ng dalaw, binugbog, ginutom, at pinagtrabaho nang walang sahod. Kaya naman nagprotesta sila laban sa pasya ng Korte Suprema at ni Duterte na ilibing si Marcos sa Dambana ng mga Bayani. Dahil sa patuloy na paggunita sa mga pinatay at pahirap, tinutuya sila, “Hoy, mag-move-on na nga kayo!” Huwag gan’un. Baka ma-karma ang mga nanunuya.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with