^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Daming krimen dahil sa loose firearms

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Daming krimen dahil sa loose firearms

TATLONG local officials na ang napapatay ngayong Hulyo. Una ay si Tanauan City Mayor Antonio Halili; ikalawa si General Tinio Mayor Ferdinand Bote at ikatlo si Trece Martires Vice Mayor Alexander Lubigan.

At kung hindi pa napaslang ang mga ito, hindi pa mag-iisyu ang Philippine National Police (PNP) na lipulin ang hired guns at buwagin ang private army ng mga pulitiko. Kung kailan tatlo na ang napapatay, saka lamang maghihigpit. Kung noon pa isinagawa ng PNP ang pagsamsam sa mga hindi lisensiyadong baril, baka napigilan ang mga pagpatay.

Sabi ni PNP chief Director General Oscar Albayal­de, kabi-kabilang checkpoint ang kanilang ilalatag para mahuli ang mga upahang criminal. Palalawakin din umano ng PNP ang intelligence operations. Tututukan din umano ang 78 private armed groups sa bansa. Ang paglalatag ng checkpoints para madakma ang mga hired killers ay preparasyon na rin para sa 2019 midterm elections.

Hanggang sa kasalukuyan, wala pang naaarestong suspects sa mga nangyaring patayan. Blangko pa rin sa killer ni Halili na binaril habang nagpa-flag ceremony noong Hulyo 2. Sabi lang ng PNP, maaaring paghihiganti ang motibo dahil maraming ipinahiya si Halili.

Dalawa na ang naaresto sa pagpatay kay Bote pero hindi pa tukoy ang mastermind. Binaril si Bote  habang sakay ng SUV nito palabas sa gate ng NIA sa Cabanatuan.

Natagpuan naman ang sasakyang ginamit sa pagpatay kay Vice Mayor Alex Lubigan at sabi ng PNP tukoy na ang mga salarin. Anggulong pulitika ang nakikita ng PNP. Tatakbo umanong mayor si Lubigan sa 2019 elections kalaban ang asawa ng kasalukuyang mayor.

Habang papalapit ang midterm elections, tiyak na darami pa ang krimen na may kinalaman sa pulitika. Sasamantalahin ito ng mga magkakalaban sa partido. Sasakay sa anggulong droga para hindi mapaghinalaan.

Ang pagkilos ng PNP laban sa loose firearms ang nararapat tutukan para matigil na ang pagpatay. Buwagin din ang private armies para matigil na ang pagdanak ng dugo.

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with