Pananampalataya o selfie?
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - July 12, 2018 - 12:00am

MAY bagong hamon si Pres. Duterte -- magpa-selfie raw kasama ang Diyos. Kung may maka­kagawa raw niyan, magbibitiw siya. Isa lang daw ang kailangan niya sa mga nakaakyat na umano sa langit. Ipakita na may Diyos sa pamamagitan ng selfie. Ano kaya ang masasabi ni Sen. Pacquiao?

Iba naman ang paniniwala ni Gary Valen­ciano. Naniniwalang kamay ng Diyos ang kumilos para tulungan siyang gumaling sa malubhang sakit, dalawang malaking operasyon. Isa para ayusin ang kanyang puso na may mala­king bara sa ugat, at ang isa para tanggalin ang tumor sa kanyang bato. Nadiskubre ang bara sa kanyang ugat nang makaramdam ng paninikip ng dibdib habang sumasayaw. Konti na lang at atake sa puso na ang mangyayari, kung saan baka hindi na umabot sa ospital. Sumailalim siya sa coronary bypass surgery. Tagumpay ang ope­rasyon.

Hindi siya makapaniwala sa pinagdadaanan, pero hindi nawala ang pananampalataya sa Diyos. Dumaan muli siya sa operasyon para matanggal ang tumor pati ang ilang bahagi ng bato. Maayos na ang kanyang puso at wala na ring cancer. Hindi rin niya kailangan ng chemo o radiotherapy. Paano nga naman mapaliliwanag ang kanyang mabilis na paggaling mula sa dala­wang seryosong kundisyon? Nagpapasa­lamat sa Diyos na sa pinagdaanang mabigat na pagsubok, hindi siya iniwanan. Palaging naaalala ang Psalm 23 sa Bible. Pananampalataya, o selfie? Ano ang batayan ng inyong paniniwala?    

DUTERTE PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with