‘Passports, dapat nasa pangangalaga ng embassy!’
BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - July 11, 2018 - 12:00am

DAHIL sa hirap ng buhay, marami sa ating mga kababayan ang napipilitang magtrabaho sa ibang bansa. Sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) umabot sa 2.3 million ang overseas Filipino workers (OFWs) mula April hanggang September 2017. Kung saan, 59% ng mga manggagawang Pilipino ay nabibilang sa elementary occupations o yung mga unskilled workers tulad ng domestic helper at construction worker.

Habang patuloy na dumadami ang bilang ng OFWs, patuloy din ang pagdagsa ng mga sumbong at reklamo ng mga ito. Mayroong mga sumbong ng pang-aabuso, pangmamaltrato at pang-aapi ng kanilang mga Arabong amo. Kalimitang reklamo rin ng mga kababayan sa abroad ang kanilang passports. Mga lintik kasing employer, kinukumpiska ito pagkadating ng OFW. Tila ginagawang collateral at panakot sa mga pobre. Kaya naman ang gobyerno pinaaalalahanan ang mga Pilipino, lalo na ang mga OFW. Walang sinuman ang dapat na humahawak ng inyong mga passport bukod sa inyong sarili. Personal n’yo itong pag-aari at kayo lang ang may karapatan dito.

Seryoso ang pamahalaan tungkol sa bagay na ito. Sa Kuwait kung saan talamak din ang karahasan sa OFWs, nauna nang isinama sa kasunduan ang isyu tungkol sa paghawak ng passport. Malinaw na nakasulat sa kasunduan na hindi maaring kunin, itago o kumpiskahin ng mga employer ang passport at iba pang mahahalagang doku­mento ng OFWs.

Suhestiyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) dapat nasa pangangalaga ng Philippine Embassy ang mga passport. Isu-surrender ng mga OFW for safe keeping­. Nang sa gayon, ‘di na magamit laban sa kanila ang mga passport at sa oras na magkaroon ng problema, puwede sila agad makatakbo sa ating embahada.

Isa lang ito sa mga hakbang ng gobyerno upang matulungan ang OFWs. Dahil itinuturing silang makabagong bayani, marapat lamang na sila’y protektahan at panga­lagaan.

PSA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with