^

PSN Opinyon

Respect begets respect

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

KAMI ay marunong gumalang sa mga bumibisita sa aming tanggapan. Di bale kung ikaw ay agrabyado o ini­rereklamo.

Hindi estilo ng BITAG ang lalong idiin o ipahiya ang mga taong sinusumbong sa amin. Kung kayo’y naglakas loob na humarap para magpaliwanag, hindi namin kayo babastusin.

Ang tanaw namin dito’y paggalang. Sinusuklian din namin ito ng paggalang, lalo na kung kayo’y unipormado at tagapagpatupad ng batas.

Pakikinggan namin kayo. Respect begets respect. It goes both ways.

Nitong nakaraang Huwebes lang sinadya kami ng mga pulis ng QCPD Station 5. Kung inyong matatandaan, hinambalos namin sila sa ginawa nilang anti-gambling operation.

Kasama sa mga nahuli nila ang isang single mom. Biktima na ng kahirapan, biktima pa ng inhustisya. Dagdag mo na rin siguro ang malas.

Tiyempong nandoon lang siya lugar nang magkaroon ng raid. Mali ang ginawang procedure ng mga pulis. Wala silang prior knowledge sa gambling operations doon. Wala silang primary targets at wala rin silang warrant.

Pinaunlakan namin sila at binigyan ng pagkakataon magsalita. On-air pa namin ito ginawa. Hindi na namin pinalaki pa ang isyu dahil ang pokus namin ay nasa solusyon at hindi sa problema.

Isa pang reklamo. Pagawaan ng bihon sa Sta. Maria, Bulacan na Komeya, inireklamo ng kanilang mga dating trabahador. Bukod sa reklamong illegal labor practices, sinumbong din sa amin ang kanilang “dugyot” na pamamaraan. 

Nang magpunta ang dalawang empleyado ng Ko­meya sa amin, pinakinggan din namin sila. Binigyan namin sila ng pagkakataon linisin ang kanilang pangalan.

Ito pang isang inirereklamong palpak na photographer. Matapos maireklamo sa Kilos Pronto, sa kung ano mang kadahilanan, nagpakita ng mukha. Pinagharap namin sila’t pinag-ayos ng nagrereklamo.

Mga boss, ang ginagawa nami’y totoong public service. Hindi ito papogi at walang halong pulitika. Patas kami at parehas.

Kapag pumunta kayo sa amin, we will show you decency, courtesy, and respect. But make no mistake. Kung ang inyong paliwanag ay hindi tugma sa kung ano ang tama, dito tayo magkakaproblema.

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with