^

PSN Opinyon

Driverless car malapit mo nang masakyan

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

KELAN makakabili ng driverless car na aandar kahit saan? Malimit ‘yan itanong dahil sa tatlong palagay: na ang automated vehicles (AVs) ay kamukha ng mga kotse ngayon, na bibilhin ito ng tao, na puwede ito sa anumang daan. Mali lahat ng palagay. Ang experimental models ngayon ay mga modified na ordinaryong kotse, na may manibelang pumipihit nang sarili. Pero ang mga lalabas na AVs ay walang manibela o pedal -- mga karuwahe lang na iba’t ibang laki at korte; mga simpleng pods na kasya ang anim hanggang walong pasahero ang pinaka-episyenteng disenyo. Imbis na all-terrain, malamang ay sa nakamapang lungsod lang ang AVs. Malamang din na pang ride-sharing lang, “robotaxis” kumbaga, dahil mahal at kumplikado. Habang humuhusay ang mass transport tulad ng tren, pahigpit nang pahigpit din sa seguridad at kalikasan, kaya malamang limitado ang AVs para iwas trapik at hindi magamit ng terorista na panagasa o pambomba sa kumpol ng tao.

Hindi pa perpekto ang teknolohiya para mapama­neho nang sarili ang sasakyan, pero malaki na ang inunlad nito sa nakaraang dekada. Kaya maglalabas na nga­yong 2018 ng prototype ang Waymo, sister company ng Google. Robotaxis din ang ineeksperimento sa Europe dahil sa pamamagitan ng shared rides mapapamura ang AVs.

Pinaka-mahal na component ang sensor -- mas mahal kaysa kotse mismo. Gumagana ito sa artificial intelligence, o kakayahan ng makina matuto nang sarili­ at magturo sa ibang makina. Libong retrato ng bawat kalye at kanto ng lungsod sa iba’t-ibang oras, klima, at dagsa ng tao at trapik ang ipi-feed sa computer. Kasama na ru’n ang lubak; manhole; fire hydrant; poste; lapad, kurba, at dalisdis ng kalye at bangketa. Ito’y para makilala ng AV ang dinadaanan. Kung may papel na liparin ng hangin o baha ng ulan na umagos patawid sa kalye, magpe-preno muna ang AV para analisahin ang “peligro”. Kapag mabatid na ligtas, aandar na muli at isi-signal sa sensor ng ibang AVs ang bagong natutunan sa daan.

vuukle comment

DRIVERLESS CAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with