^

PSN Opinyon

Drug tests sa estudyante

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KUNG ako’y isang magulang na may anak pang nag-aaral, hindi ko tututulan ang sapilitang drug test sa mga pupils. Maaari itong ipatupad gaya ng drug test na requirement sa mga kumukuha ng drivers license. Ngunit kailangan ang isang bagong batas para maipailalim sa drug test ang mga bata.

Ang problema lang sa drug test, pinapasok ng ano­malya sa dakong huli. May nababalitaan tayo na ang mga drug testing center na puwedeng suhulan para  palabasing drug-free ang nagpapakuha ng test kahit hindi naman.

Ngunit kung sentido ang pag-uusapan, masasabi ko na basta maayos na maipatutupad, makabubuti ito sa pagtukoy ng mga kabataang nabibiktima ng droga upang sila’y maisalba sa masamang bisyo habang ma­aga pa.

May mga tumututol sa panukala ng Philippine Drug Enforcement Agency na isailalim ang mga estudyante mula sa Grade 4 pataas sa drug testing. Bawal kasi sa batas na ang mga batang nasa ganyang edad ay ipa­ilalim sa drug test.

Katuwiran ng mga tutol, mato-trauma raw ang mga bata kapag pinaghihinalaang gumagamit sila ng droga. I disagree. Siguro mangyayari iyan kung pipiliin lang ang mga isasailalim sa test. Pero kung gagawing pangkalahatan, mabuti ito.

Ang pagkalulong sa droga kasi ay isang karamdaman na dapat matukoy at lunasan. Paano mo matutukoy kung wala ang ganyang pagsusuri.

Kung ako ang tatanungin, ipapayo ko pa siguro na gawing requirement sa enrolment ang pagbibigay ng specimen ng ihi ng kanilang mga anak para masuri. Puwedeng magtalaga ang Department of Health ng mga tauhang gagawa nito sa mga paaralan. Dagdag na budget ang kakailanganin pero kung sa kabutihan, bakit hindi naman tayo maglalaan ng pondo? Isang katotohanan na hindi mapapabulaanan na may mga paslit na gumagamit na ng droga.

vuukle comment

DRUG TEST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with