^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Maraming uka-ukang kalsada sa Metro Manila

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Maraming uka-ukang kalsada sa Metro Manila

UMULAN nang malakas noong Huwebes ng hapon sa Metro Manila. Ilang kalsada ang lumubog sa baha. Bumaha sa España Blvd., Taft Avenue, Laon Laan, Dapitan at Gov. Forbes sa Maynila; Araneta Avenue, Quezon Avenue at Biak-na-Bato sa Sto. Domingo, Quezon City. Bumaha rin sa Zabarte Road sa Caloocan City at sa Pasong Tamo St., at Buendia sa Makati City.

Ang nakadidismaya ay ang tanawin sa mga kalsada paghupa ng baha.  Uka-uka o butas-butas ang mga ito. Mistulang sungkaan. Kapansin-pansin ang mga uka-ukang kalsada sa Blumentritt St. at Gov. Forbes sa Maynila na para bang hindi na inaasikaso ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Nahihimbing ba ang DPWH at hindi agad naaasikaso ang mga uka-ukang kalsada?

Ngayong araw na ito at bukas ay uulan na naman daw ayon sa PAGASA. Mararanasan na naman ang malalakas na ulan na magdudulot ng baha. At lalong darami ang mga butas-butas na kalye sa Metro Manila, particular na ang mga dinadaanan nang malalaking truck. Tiyak na magiging sungkaan din ang C5 road at ang bahagi ng Mindanao Avenue sa Quezon City sapagkat ang mga ito ang ruta ng mga 10-wheeler at cargo truck.

Ang mga lubak-lubak na kalsada ang dahilan kaya nagkakaroon ng grabeng trapik. Iniiwasan ng mga motorista ang mga lubak at ito ang dahilan kaya may nagkakabuhul-buhol ang mga sasakyan. Hindi makapagpabilis ang mga motorista dahil sa mga lubak.

Kailangang iprayoridad ng DPWH ang mga sira-sirang kalsada. Huwag hayaang lumaki pa ang butas sapagkat lalong lalaki ang problema. Kapag may lubak tiyak na mayroong trapik. Marami ring masisirang sasakyan dahil dito na dahilan din kaya naaantala ang biyahe.

Kailangang kumilos nang mabilis ang DPWH sa ganitong problema. Hindi dapat hintayin na magreklamo pa ang mga motorista sa sira-sirang kalsada. Tapalan agad ang mga uka-uka para hindi mahirapan ang mamamayan at motorista.

vuukle comment

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with