^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Siguruhing walang tanim-bala sa NAIA

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Siguruhing walang  tanim-bala sa NAIA

LUMUTANG na naman ang tanim-bala. Nalilimutan na ito pero noong nakaraang linggo, muli na namang umalingasaw. Noong 2016 unang nagpakita ng bangis ang mga nagtatanim ng bala. Marami silang nabiktima kahit mga matatandang pasahero na pabalik sa United States ay binibiktima. Kahit ang mga dayuhan na gustong makita ang kagandahan ng Pilipinas ay nadismaya sapagkat tinaniman sila ng bala. Mapait ang naging karanasan nila sa pagtungo sa bansa. Sa airport pa lamang sinagilahan na sila ng takot.

Dahil sa pangamba sa tanim-bala ng mga pasaherong palabas at papasok ng bansa, binabalutan nila ng packaging tape ang kanilang bagahe. Sini­sigurong hindi maisisilid ang bala sa kanilang bagahe. Ang tanim-bala ay modus ng mga tiwaling airport personnel para perahan ang mga pasahero.

Pero mula nang magpalit ang administrasyon noong Hunyo 2016, nag-lie low ang mga tiwali sa tanim-bala modus. Binantaan ni President Duterte ang mga tiwali sa airport na ipakakain sa mga ito ang bala kapag naulit ang modus.

Natakot ang mga tiwali at mula noon ay hindi na nagkaroon ng tanim-bala. Pero nagkaroon naman ng nakawan sa mga bagahe kung saan pawang alahas ang dinidikwat ng mga corrupt. Pati nga alahas ng asawa ng Turkey ambassador ay hindi pinatawad. Nahuli ang mga kawatan. Nakita sa locker­ ang mga alahas.

Sa galit ni Duterte, inalis na ang contractor na nag-eempleyo sa mga kawatang airport personnel. Nagmakaawa ang mga ito pero hindi pinakinggan ng Presidente.

Nawala nga ang tanim-bala at mga magnanakaw sa NAIA. Balik sa normal ang lahat. Pero noong nakaraang linggo muli ngang nabulabog dahil isang babae na patungong Zamboanga ang nahulihan ng bala sa baggage. Nagreklamo ang babae. Wala raw bala sa kanyang luggage. Nag-viral sa Facebook ang pangyayari. Naulit na naman ang tanim-bala?

Hindi raw sabi ng Malacañang. Walang tanim bala. Hindi totoo na tinaniman ng bala ang babae. Wala na raw nagtatanim ng bala sa NAIA.

Sana nga ay hindi na totoo ang balita. Masisira na naman ang NAIA. Mababawasan na naman ang mga dadalaw sa bansa dahil sa masamang balita. Siguruhin na hindi nga totoo ang tanim-bala.

vuukle comment

NAIA

TANIM-BALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with