^

PSN Opinyon

Pari-Cide

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MUKHANG ang nauuso ngayon ay ang krimeng “pari-cide,” o pagpatay sa mga pari. Ha-ha-ha..kaunting patawa lang!

Kaya pati ang church community ay tila nahahati ang opinyon kung dapat armasan o hindi ang mga pari o pastor para idepensa ang kanilang sarili.

Ayon sa record ng Camp Crame, mahigit na sa dalawang daang pari, pastor at ministro ang nag-apply na ng permit to carry guns, at tila ang bilang ay tumataas pa. Ngunit kung ang pamunuan ng Catholic Church ang tatanungin, hindi sila pabor magbitbit ng ano mang naka­mamatay na sandata ang mga alagad ng simbahan­. Ako man ay hindi payag diyan. Kung ikaw ay alagad ng Diyos, tatak ng matibay mong pananampalataya ang kom­pi­yansa na hindi ka kayang lupigin ng sino mang kampon ng kasamaan.

Isa pa, kapag may dalang armas ang sino man, mala­mang kaysa hindi na ito ay magagamit at magdudulot din ng pagdanak ng dugo. Dapat sa problemang ito ay ang paghihigpit ng pamahalaan sa mga sandata upang ang mga instrumentong ito ng kamatayan ay huwag mapunta kung kani-kanino lang.

Pero naaayon sa karapatan ng lahat ang pagdepensa­ sa sariling buhay at kasama diyan ang mga pari o pastor­. Sila ay mga mamamayan ding may karapatang ipagtanggol ang sarili. Hindi sila puwedeng diktahan na huwag magdala ng sandata.

At dahil sa mga maanghang na salita ni Presidente Duterte, lalu na laban sa mga alagad ng simbahan, tila na­tuon ang mata ng paghihinala ng iba nating kababa­yan sa kanya bilang utak sa mga pagliligpit sa mga ala­gad ng simbahan. Kasi naman, madalas karinggan ng mga hindi magandang patutsada ang Pangulo laban sa mga pari at kahit sa buong Simbahang Katolika.

Alam ito ng Pangulo kaya tahasan niyang sinabi na hindi niya kayang pumatay o magpapatay ng pari. Para maiwasan ang mga ganyang paghihinala, lay-low na lang ang Pangulo sa kanyang pagbigkas ng mga mararahas na salita laban sa alin man tao o sector ng lipunan.

vuukle comment

CHURCH COMMUNITY

PARI-CIDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with