^

PSN Opinyon

Kaligtasan ng mga pari

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAGING usap-usapan si Presidential Spokeperson Harry Roque kamakailan matapos sagutin ang mga katanungan ng reporters hinggil sa pambubuli ng mga Chinese Coast Guard (CCG) sa mga Pilipinong ma­ngi­ngisda. Nasagot niya nang maayos  ng iniharap niya sa TV ang mga binubuling mangingisda ng CCG. Sapilitan silang hinihingian ng magagandang huli kapalit ng sigarilyo at kung anu-ano pa na walang halaga. Nagkaroon ng resulta dahil umaksiyon ang embahada ng China at pinaiimbestigahan ang pangyayari at na­ngakong mapaparusahan ang mga CCG kapag napatunayan ang sumbong ng mga mangingisda.

Marami na siyang pagsubok sa buhay. Napatuna­yan na ng sambayanan ang kanyang pagkamaka-Pilipino. Siya ang abogado ng mediamen na pinaslang at pamilya nito sa Maguindanao massacre. Siya rin ang nagpakulong sa Amerikanong sundalo na pumatay kay Jennifer Laude, isang nightclub entertainer. Bilang kongresista, siya ang co-author ng libreng tuition para sa mga estudyante ng state universities at colleges. Siya rin ang may-akda para sa free irrigation at nagsusulong na bigyan ng libreng pananghalian ang mga estudyante sa elementary. Paniwala niya, sa elementary pa lang, dapat solid na ang mga academic foundation ng mga kabataan para makapag-aral na mabuti. Pa­ano makakapag-aral kung kukulo-kulo ang sikmura. Siya rin ang nagsusulong ng universal health care bill na magbibigay ng libreng gamot at pagpapagamot sa lahat. Sa ipinakikita niya malinaw na ang sambayanan ang makikinabang.

* * *

Sa Region 1, abala si Chief Supt. Romulo Sapitula sa paglilibot sa mga simbahan upang tiyakin ang kaligtasan ng mga pari. Tatlong pari na ang napapatay. Dahil dito, binigyan niya ng security ang mga ito. Ikinalat niya ang mga pulis sa naturang rehiyon. Maging si San Fernando, La Union police chief Supt. John Guiagui ay todo ang suporta sa programa ni Sapitula. Kaya lahat nang sulok sa San Fernando ay aktibo ang mga pulis. Hindi lamang mga pari ang kanilang binibigyan ng proteksiyon kundi lahat ng residente roon. Naging maayos ang daloy ng trapiko dahil sa ginawang clearing operation sa McArthur Highway. Bilang pagsunod kay PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde na damputin ang loiterers, laging nagpapatrulya ang mga tauhan ni Guiagui upang masigurong walang lalabag sa mga ordinansa. Abangan!

vuukle comment

CHINESE COAST GUARD

HARRY ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with