^

PSN Opinyon

Kumilos na ang LTFRB

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NGAYON lang sila kumilos e ang tagal-tagal nang may nakalagay na karatula sa Katipunan Ave. na bawal dumaan ang mga tricycle roon. Kumilos na ang LTFRB para pagbawalan na ang mga tricycle na dumaan sa gilid ng Katipunan Ave., partikular para magserbisyo sa mga mag-aaral. Matagal ko nang nakikita ang mga kara­tula sa Katipunan na nagbabawal nga sa mga tricycle, pero hindi ito pinatupad o pinaigting. Ayon pa sa mga operator ng tricycle, may pahintulot pa raw sila mula sa lokal na pamahalaan. Sa lapad ng Katipunan ngayon, mas mabilis na ang takbo ng mga sasakyan, bukod sa dami nang malalaking trak na dumadaan din sa Katipunan. Mahilig pa naman sumiksik at sumi­ngit ang mga tricycle. Kaya kapag naaksidente, walang kalaban-laban. Ayon sa LTFRB, hindi nakukubra ng insurance ang mga masasaktan sa tricycle kapag naaksidente. Karamihan pa na­man ng mga nakasakay ay mga mag-aaral mula sa mga Ateneo at Miriam.  

Naiintindihan ko kung maraming aberya sa kilos ng LTFRB. Pero para na rin ito sa kaligtasan ng mga estudyante. Pag-aaralan ng LTFRB kung may mga sasakyan na papayagang dumaan ng Katipunan, para maserbisyuhan ang mga estudyante. Dapat ding pag-aralan ng mga paaralan kung puwede silang maglagay ng mga shuttle buses na dumadaan lang mula sa isang lugar sa Katipunan papasok ng Ateneo de Manila o Miriam College, at palabas muli. Kung nagagawa iyan sa ibang bansa, bakit hindi sa Pilipinas? Kahit maningil sila ng konti, dahil handa namang magbayad ang mga mag-aaral kung sa tricycle rin lang sila sumasakay noon. 

Sigurado marami pang kalsada riyan na bawal dumaan ang tricycle, pero meron pa rin dahil may pahintulot mula sa lokal na pamahalaan. Lumalabas na mas makapangyarihan ang salita ng mayor, kaysa ang ilang batas. Maraming ganyan. Hindi lang dapat sa Katipunan nagi­ging mahigpit ang LTFRB. Mga bahagi ng EDSA kung saan maraming tao. Baka sa Commonwealth Avenue meron din. Bantayan din ang España­. Ilan lang iyan sa mga kalsada kung saan maaaring  may dumadaan.

vuukle comment

LTFRB

TRICYCLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with