^

PSN Opinyon

Palitan lang

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAGSALITA na si Pres. Rodrigo Duterte. Hindi raw “bullying” and naganap sa Scarborough Shoal kung saan ang ipinagpalit ng mga Chinese Coast Guard sa mga isda ng mga Pilipinong mangingisda ay noodles, sigarilyo at tubig. Ang masama lang daw ay hindi raw alam ng mga coast guard ang halaga ng kanilang nakuha. Hindi naman siguro ang mga Pilipino ang hindi alam ang halaga dahil sa isang mangingisda mismo nanggaling na mga P200 lang ang halaga ng mga ipinagpalit sa kanilang isda. Sa kanila galing na lugi sila. Mahirap naman yatang paniwalaan na hindi alam ng mga coast guard ang halaga ng kanilang kinuha. Tandaan na walang masabi ang mga mangingisda sa naganap na “barter” o palitan, dahil baka sagasaan lang daw ang kanilang mga bangka na parang lata. Hindi ba ang “barter” ay nagaganap kapag ang dalawang panig ay pumapayag sa palitan?

Patuloy ang pagtanggol talaga ng administrasyong ito sa lahat ng kilos ng China. Bingi ang adminis­tras­yon sa mga daing ng mga mangingisda. Baka pina­tatahimik pa para hindi galitin ang China. Wala na silang magagawa kung ang Presidente ng Pilipinas mismo ang nagsasabi na wala namang mali sa naganap. Magtiis na lang sila sa kung ano pang ipapalit sa kanilang huli tuwing mangingisda sila sa Scarborough Shoal.

Nananawagan din ang mga mangingisda sa gob­yerno na patigilin ang China at ibang bansa sa pagsira sa bahura, dahil sa kanilang iligal na pangingisda, partikular ang paghukay ng mga taklobo. Ekta-ektarya ng bahura ang nakitang sira na sa Google Earth. Ang nais pa nga ay idemanda ang China sa paninira ng bahura. Kung tila mimamaliit na nga ni Duterte ang nagaganap na “barter” sa Scarborough Shoal, pansinin pa kaya ito? Tandaan, pinapayagan lang daw tayo ng China na makapangisda sa Scarborough Shoal, hindi ba? Sabi ni DFA Sec. Cayetano, parehong kinokontrol ng Pilipinas at China ang Scarbo­rough Shoal. Kung parehong kinokontrol, bakit hindi basta-basta makapangisda sa nasabing lugar nang walang pahintulot ng Chinese Coast Guard? Nakakalimutan yata ni Caye­tano ang pahayag na “out of goodwill” na pinapayagan ng China na makapangisda ang mga Pilipino roon. Kung magpadala rin tayo ng coast guard sa Scarborough Shoal, pumayag kaya ang China, kung talagang parehong may kontrol sa lugar?    

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

SCARBOROUGH SHOAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with