^

PSN Opinyon

Sen. Kiko Pangilinan, para sa’yo ito!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

AKO mismo, mainit ang dugo ko sa mga tambay. Bukod sa wala kayong matinong naidudulot, masamang tanawin pa kayo sa komunidad.

Nagkalat sa mga lansangan, may nakalabas pang mesa. Nag-iinuman tapos nakalabas pa ang tiyan. Kinu­kur­sunada ang kung sino man ang dumaan. 

Ang lumalabas, parang ginawa ang mga kalsada at eskinita para sa mga tambay na ito. Para magtagayan ang mga pendejong putok sa buho!

Mag-aalangan dumaan ang kahit na sino kapag naka­kita ng tambay. Sino ba naman ang hindi?

Mayroon kasing mga pulitikong walang magawa kundi­ ngumawa. Mawawalang saysay ang oposisyon kapag di kumontra sa kasalukuyang administrasyon.

Are you listening, Kiko Pangilinan? You are so good in lecturing.

Pati mga tagapagpatupad ng batas, pinasadahan mo ng lecture mo. Sama na rin ‘yung nakikisawsaw na human­ rights.

The government is trying to clean up the streets. Crime prevention ang ginagawa ng gobyerno kaya nag­hihigpit sa mga tambay.

No one’s questioning the law. May nagsabi bang krimen­ ang pagtambay?

But let me tell you this. Napupukaw ang mga kriminal kapag binigyan mo ng puwang o oportunidad na maisagawa ang krimen.

Sa ginagawa mong pagkontra sa gobyerno, para mo nang ini-encourage ang mga tambay.

Ito ba ang gusto mo? Hindi ka siguro naglilibut-libot kaya taliwas ang pananaw mo. 

Subukan natin, dumaan ka kaya sa mga tambay? Tingnan natin kung hindi ka mandiri at matakot.

Regular police operations sa mga tambay ang kailangan dahil di na kaya ng barangay. Crime prevention.

Bago pa man mangyari ang krimen, inuunahan mo na. Hindi ‘yung sinusolusyonan mo ang krimen dahil nangyari na. Get it?

vuukle comment

HUMAN­ RIGHTS

KIKO PANGILINAN

TAMBAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with