^

PSN Opinyon

Tinodas ang kumpare

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Unang bahagi)

IMPORTANTE ba ang motibo para patunayan kung ginawa o hindi ang krimeng ibinibintang? Kung halimbawa ay walang motibo ang akusado para gawin ang krimen, mapapawalang-sala na ba siya? Paano naman mapapatu­nayan na talagang walang motibo sa krimen? Ganoon ba talaga kahalaga ang motibo para mapatunayan na nagkasala ang akusado? Ito ang mga sasagutin sa kaso ni Leonard.

Isang magsasaka sa isang hacienda sa timog si Leonard. Kapwa magsasaka at kapitbahay ni Leonard si Tony na asawa ni Maita. May anak silang babae na may pagkukulang sa pag-iisip, si Jecel. May katiwala rin sila na kinse-anyos ang edad, si Gio at isang kasambahay na kinse-anyos din, si Libay. Nakatira rin kasama nila ang isang halos bulag na tiyahin ni Tony na si Tiya Racquel.

Nangyari ang insidente bandang alas-kuwatro ng hapon na nasaksihan mismo nina Gio at Libay. Nakaupo sa may pintuan ng bahay ni Tony si Gio nang dumating si Leonard dala ang isang pamalo na may 25 ½ pulgada ang haba. Tinanong ni Leonard si Gio kung nasaan ang kumpare nitong si Tony. Sinabi ni Gio na natutulog sa kuwarto si Tony. Dumiretso sa kuwarto si Leonard at basta na lang hinampas si Tony gamit ang pamalo. Sa pagkabigla ni Gio ay napatanong na lamang ito kung ano ang nangyayari pero binantaan siya ni Leonard na kung ipagtatanggol nito ang amo ay siya naman ang isusunod na papatayin. Napatakbo sa taniman ng kamote si Gio tangay sina Tiya Raquel, Libay at Jecel.

Nasaksihan din pala ni Libay ang nangyari. Nagluluto siya noon nang marinig na hinahanap ni Leonard ang kanyang “Pareng Tony”. Nakita niya nang pinasok ni Leonard si Tony sa kuwarto at pinalo ng bitbit na kahoy na tinatawag nilang “bahi”. May mga siwang kasi sa dingding na kahoy ng kuwarto ni Tony at nasilip ni Libay ang lahat ng nangyari. Nang palapit na siya sa pinto ay narinig niya na tinakot ni Leonard si Gio na susunod na papatayin kaya binuhat niya si Jecel na noon ay natutulog sa sala. Kasama si Gio at Tiya Racquel ay patakbo silang nagtago sa taniman ng kamote. Naghanap sila ng matutuluyan hanggang sa may makitang bahay na may ilaw. Pina­pasok sila ng isang babae, hindi nila alam na pag-aari pala ni Leo­nard ang bahay hanggang sa dumating ito kinagabihan at pinagsisigawan sila. Tinakot pa sila na papatayin kapag nag­sumbong sa nangyaring pagpatay. Napilitan silang manatili sa bahay ni Leonard hanggang matapos ang pasiyam na padasal sa namatay na si Tony.          (Itutuloy)

vuukle comment

KILLED

MOTIBO SA KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with