^

PSN Opinyon

Pag-aasawa nang marami nagbubunsod ng giyera

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

KONTING South Sudanese ang nakakabatid na poligamiya ang sanhi ng malagim na digmaang sibil. Sa halip ibinibin­ tang nila ito sa gahamang politiko o magulong kapit­tribo. Totoo naman na ang tiwaling sistema at tunggalian ng tribo ay nauuwi sa karahasan. Pero malaki ang epekto ng kostumbre sa pag-aasawa, anang The Economist. Kung saan malawakan ang poligamiya -- 40% ng kasalan sa South Sudan ay sa maramihang asawa -- sumisiklab ang gulo. Ang 20 pinaka-mahinang bansa ay may poligamiya. Gayundin sa ma-sigalot na bahagi ng Indonesia at Haiti. Mas malamang ang bansang may poligamiya na lupigin ang kapit-bansa.

Kalimitan sa poligamiya, mga mayayamang lalaki ang nag-aasawa nang maraming babae. Kapag 10% ng lalaki sa itaas ay mag-asawa nang tig-apat, wala nang matitirang babae para sa 30% ng lalaki sa ilalim. Udlot ang kanilang kasarian. Sinusuka pa sila ng lipunan, lalo na kung ang pagturing na mayor de edad ay kung meron nang esposa at anak. Para makapag-asawa, kailangan magbayad siya ng “brideprice” o dote sa pamilya ng babae. Kung kokonti naman ang natitirang dalaga, nagmamahal ang dote. Sa South Sudan umaabot ito sa 30 hanggang 300 baka, na hindi kaya ibigay ng mahirap o kapos-aral na binata.

Resulta: Sa pagka-desperado, nagsasama-sama ang mga binata para mangidnap at mandambong sa kabilang tribo. Inaasawa ang mga kinidnap, ipinangdo-dote ang na­dambong. Nauuwi sa ganti-gantihan.

Ang mga walang maasawa ay madaling maakit ng mga grupong jihadists. Lumitaw ito sa pag-aaral nina Valerie Hudson ng Texas A&M University at Hilary Matfess ng Yale. Umamin ang isang Pakistani sa Lashkar-e-Taiba, na pumatay sa 166 katao sa atake sa Mumbai nu’ng 2008, na sumapi­ siya dahil sa pangakong tutulungan makapag-asawa ang mga kuya. Nangako sa mga dayuhang volunteers ng honey­moon ang Islamic State sa dating capital na Raqqa. Dumarami ang rebeldeng Boko Haram sa Nigeria dahil sa pagbibihag ng mga dalagang aasawahin.

vuukle comment

DIGMAANG SIBIL.

POLIGAMIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with