^

PSN Opinyon

Walang libreng pabahay

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

WALANG libreng pabahay ang gobyerno. Ito ang iginiit ni Sen. JV Ejercito, ang chairman ng Senate Housing Committee. Ka­ilan lang ay nagtangkang angkinin na naman ng grupong Kadamay ang mga bahay sa Rodriguez, Rizal, pero pinaalis sila ni President Duterte. Binantaan pa nga na kung hindi sila aalis o magpupumilit kunin ang mga bahay ay magkakaroon ng karahasan. Inutusan na nga ang PNP na bantayan ang mga proyektong pabahay ng gobyerno para hindi na makapasok ang Kada­may.

Ayon kay Ejercito, kahit sa Saligang Batas ay walang nakalagay na may libreng pabahay ang gobyerno. Ang nakalagay ay pabahay na kakayanin ng mahirap. May mga pabahay kung saan dalawangdaan o tatlongdaang piso kada buwan lang ang kailangang bayaran. Ibinigay na lang kasi ni Duterte sa Kadamay ang mga bahay sa Pandi, Bulacan. Kaya baka inisip na ibibigay rin ang mga bahay sa Rizal kung manatili sila at hindi rin umalis. Sino naman ang maniniwala na binabantayan lang daw ng Kadamay ang mga bahay? Ito kasi ang pahayag nila sa pagtungo sa mga bahay sa Rizal.

Hindi rin dapat payagan ang anarkiya sa bansa. Ano pala ang pipi­gil sa grupo tulad ng Kadamay na basta-basta mag-angkin ng bahay o bakanteng lupa? Krimen nga ang mang-agaw ng lupa, kaya bakit iniisip ng Kadamay na pwede lang sila magtungo sa mga proyektong pabahay ng gobyerno na wala pang tao? Ano rin ang nangyari sa Pandi, Bulacan? Maayos na bang tinitirahan ng mga nakakuha ng bahay?

Dapat din tukuyin ng National Housing Autho­rity ang mga bahay na hindi pa inaangkin o tini­tirhan ng mga benepis­yaryo. Kung ayaw tirhan o tanggapin, hanapan ng ibang makikinabang sa bahay. Ito rin ang dahilan kung bakit may grupong Kadamay. Ganun pa man, may mga tamang proseso para maayos ang problema ng pabahay. Hindi lang basta-basta pwedeng angkinin o kunin.

vuukle comment

JV EJERCITO

SENATE HOUSING COMMITTEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with