^

PSN Opinyon

Biyudang single mom, kinulong, @ a wrong place, wrong time!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

KAPAG nakita naming may malinaw na “inhustiya.” Panghihima­sukan ng BITAG-Kilos Pronto!

Nitong Huwebes Hunyo 7 sa BITAG Action Center sa 102 Richwell Tower, Timog Avenue, Quezon City lumapit ang panganay na anak na si Christian ng biyudang single mom na si Geneva Geralin na kasalukuyang nakakulong. 

Si Aling Geneva ang bumubuhay sa kanyang apat na anak sa pamamagitan ng pagtitinda lamang ng kakanin at ginataang bilo-bilo. Napagkakasya raw ng kanyang ina sa pamamagitan ng paghiram ng pera o pagsasanla ng gamit pambili ng kanyang paninda.

Sa pamamagitan lang ng pagtitinda ng kanilang ina ng ka­kanin at ulam, napag-aaral silang apat na anak at natutustusan ang kanilang pangangailangan pang-araw araw. Ang panganay na si Christian, mapalad. May nag-sponsor sa kanyang pag-aaral, ang kanilang simbahan malapit sa kanilang tinitirhan.  

Humihingi ng saklolo si Christian at personal na lumapit sa inyong lingkod. Maaga siyang pumila sa BITAG Action Center. Kailangan daw ng P30,000 pampiyansa ng kanyang ina, at wala raw sumusuporta ngayon sa kanilang apat na magkaka­patid. Agad kumilos pronto ang BITAG matapos ang aming pag-iimbestiga. Nakita namin ang pagkukulang ng mga pulis ng Station 5 QCPD, na gumawa ng anti-gambling operation noong May 15. Pati na rin ang pagkukulang ng piskalya.

Magsasanla lang sana ang biyuda ng gamit para pantustos sa kanilang araw-araw na pangangailangan. Ang kanyang pagsasanlaan, isang babae, noong mga panahong ay nahuling nag­la­laro sa sugalan.

Kung mayroon may salitang “malas,” ito nga ang ibig sabihin na sinasapit ngayon ng pobreng biyudang single mom, at a wrong place, at a wrong time. Si Geneva, dahil nagsasagawa ang mga pulis QCPD Station 5 ng gambling operations sa nasabing lugar. Binitbit si Aling Geneva kasama ang mga nahuling naglalaro sa nasabing pasugalan. Lahat sa mga nahuli nakapagpiyansa, maliban kay Aling Geneva na walang-wala.

Na-inquest si Aling Geneva nang walang tumatayong repre­sentante ng PAO. Nahuli ng May 15 at na-inquest ng June 1. Hindi ito maipalawanag ng mga loko-lokong hepe ng pulis ng QCPD Station 5. May bayag pang sabihin ng station commander, na “kung may pagkukulang man, pananagutan namin.” Pendejong hepe ka talaga!

Ang nakapagtataka, kung sino man ang kolokoy na inquesting fiscal, hindi man lang tinanong at sinuri kung may abogado at ang estado ni Aling Geneva. Hindi man lang tinanong ng inquesting fiscal, bakit June 1st na-inquest at walang represen­tante ng piskal. 

Ito’y mapapanood sa aming BITAG OFFICIAL Youtube TV.  Tututukan namin ito, gagawin naming serye sa kolum na ito para maipakita ang mga kapalpakan ng mga kinauukulan sa kanilang ginagampanang trabaho. Wala kaming sinasanto, kahit sino pa man kayo. Kaya nandito ang BITAG!

Biktima ka ba ng PANG-AAPI? PANG-AABUSO? PANG-AAGRABYADO? PANLOLOKO? Alam n’yo na kung sino ang lalapitan. Wala kaming interes sa larangan ng pulitika. Hindi kami namumulitika. Ito ang totoong public service. Kasama ang kolum kong ito.

vuukle comment

BITAG-KILOS PRONTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with