^

PSN Opinyon

Paggunita, pagtanong

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ISANG taon na ang nakalilipas mula nang salakayin ng Maute at iba pang terorista ang Marawi City. Iba-ibang grupo ang gumunita ng labanan na sumira sa kanilang mga buhay. Limang buwan inabot ang labanan at nang matapos, hindi na makilala ang Marawi. Hanggang ngayon ay marami pang hindi pa talagang pinababalik ang mga residente sa kani-kanilang bahay, dahil sinisigurado ng militar na walang iniwang bomba ang mga terorista. Hindi naman maitatanggi na gustong nang makauwi ang mga taga-Marawi.

Ang isyu nga ngayon ay rehabilitasyon, na sigurado ay madalas marinig ng mga taga-Marawi. Pero sa kabila ng mga naririnig na mga pangako ng tulong-pinansyal mula kung saan-saan, wala pa talagang nasisimulan sa Marawi. Nagkaroon ng pagdinig sa Kongreso noong Miyerkules, kung saan ginisa ng House Committee on Muslim Affairs ang Task Force Bangon Marawi (TFBM) kung bakit tila walang konkretong plano para sa rehabilitasyon at imprastraktura ng Marawi, partikular sa “most affected area” (MAA), kung higit P17 bilyon ang estimasyon ng mga proyekto. Ang pinresentang plano ng TFBM ay mga istruktura na ayon sa mga Kongresista ay wala namang paglalagyan, maliban na lang kung kukunin nila ang lupa ng mga residente. Mga nakakaalam ng Marawi ay nagpahayag na walang lugar para sa mga plano nila. Kaya uminit ang taynga ng ibang Kongresista. Maganda sa papel ang mga plano, pero walang detalye kung paano ipatutupad ito. Hindi ba bilyun-bilyon na ang mga pangakong tulong, at bilyun-bilyon din ang gagastusin sa rehabilitasyon? Baka may mga matang nakatingin na iba ang gustong tulungan.  

Ang tinatanong din ng mga residente ay ang tulong sa kanila mismo, at hindi lang sa imprastruktura. Marami ang nawalan ng bahay. Matutulungan ba sila ng gobyernong itayo ang kani-kanilang tahanan? Isa pang isyu ay kung sino ang mamumuno ng rehabilitasyon, sa kabila ng mga balita na may dalawang kumpanya mula China na blacklisted ng World Bank, na ayon sa Palasyo ay sila pa rin ang makikilahok. Hindi naman daw Pilipinas ang nag-blacklist sa kanila. Ilan lang ito sa mga balakid sa pagsimula ng rehabilitasyon, na matagal nang inaantay ng mga taga-Marawi. Oktubre natigil ang labanan. Magwawalong buwan na ring lumipas.   

vuukle comment

MARAWI CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with