^

PSN Opinyon

Namatay sa hazing

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Unang bahagi)

SA nagdaang mga taon, naging sakit ng ulo para sa pamunuan ng mga eskuwelahan at unibersidad ang hazing at pamamahiya sa mga neophyte na sumasali sa fraternity. Nakakabahala ang mga balita tungkol sa mga binatang binugbog at pinatay sa initiation rites sa ngalan ng kapatiran. Kaya noong June 7, 1995 ay ginawang batas ang RA 8049 na nagpapatataw ng parusa sa mga nagpapahirap sa mga bagong estudyante.  Kahit pa napakahigpit ng mga probisyon ng batas ay may mga katanungan pa rin sa pagiging epektibo nito dahil patuloy pa rin sa paglaganap ang hazing tulad na lang sa kasong ito.

Ang kaso na may kinalaman sa pagpapahirap ng baguhang miyembro ay nangyari sa isang probinsiya sa Timog Luzon. Isa sa mga bagong kasapi na gustong sumali sa frat ay si Alvin, isang estudyante ng B.S. Agricultural Economics. Nakatira siya sa dorm kasama ang kaibigang si Jomar hanggang sa minalas na namatay matapos ang isinagawang hazing.

Dahil nga may tinatawag na “vow of secrecy”, walang naiturong mga taong responsable sa pagkamatay ni Alvin o kahit man lang ang paraan kung paano siya napatay. Pero may mga testigo na nakapagturo kina Titus at Ian bilang mga miyembro ng frat na may kinalaman sa insidente. Ang mga testigo ay sina Jomar, si Cherry na isang estudyante ng food biology, si Senyang na may-ari ng isang sari-sari store sa harap ng resort, si Dado na isang tricycle driver na namamasada sa lugar, si Lino na isang sekyu sa resort, si PO2 Salvador na gumawa ng imbestigasyon sa kaso, si Dr. Santos na gumamot kay Alvin at si Dr. Reyes, isang medico-legal na sumuri sa bangkay.

Tumestigo si Jomar tungkol sa hiniram na sapatos ni Alvin para sa huling yugto ng initiation (“finals”) na magaganap daw noong gabing iyon sa isang resort.   Iyon daw ang huling beses na nakita niyang buhay si Alvin.

Ayon naman sa salaysay ni Cherry, nang hapong iyon sa araw din na binanggit ay nakita niya sa tambayan sina Ian at Titus kasama ang isa pang lalaki, nakasuot sila ng itim na t-shit na may logo ng fraternity. May dalawang lalaking lumapit na nakayuko ang mga ulo, si Alvin ang isa kanila, bitbit ang 5-gallon na tubig sa isang lalagyan. Dalawang beses siyang sinikmuraan ni Titus dahil hindi agad nagreport sa tambayan. Matapos ang 15 minutos ay nakita raw ni Cherry na umalis na ang limang lalaki.

Sinalaysay naman ni Senyang na noong gabi ding iyon, bandang 8:30 ng gabi ay nakita niya na dumating sa resort ang isang dyip lulan ang may 20 babae’t lalaki, nakasuot sibilyan, nakipagkamay at nagyakapan pa bago pumasok ng resort.  Si Titus daw ang katabi ng driver. May nakita rin umano siyang tatlong tao na sakay ng motorsiklo na pumasok din sa resort. Pagkatapos, may 15 katao ang nag-umpukan sa terasa. Maya-maya pa ay pinatay na nila ang ilaw. Pagkatapos, may tatlo katao ang lumabas at bumili ng ilang gamit kasama si Ian. Sabi niya ay sa pulis na lang niya nalaman na may namatay noong gabing iyon at ito nga si Alvin.

Ang testimonya naman ni Dado, bandang alas-tres ng madaling araw, nakapila siya sa paradahan ng mga tricycle at nag-aabang ng pasahero. May lalaking dumating at sinabing may sasakay mula sa resort. Agad siyang pumunta sa resort. Lumabas ang tatlong lalaki na may buhat na isa pang lalaki na mukhang mahina na, parang lantang-gulay at napakalamig ng katawan. Inutusan nila si Dado na dalhin ang lalaki sa ospital dahil daw nasobrahan ito  sa pag-inom ng alak. Ilang araw pa bago niya nalaman na namatay ang lalaki. (Itutuloy)

vuukle comment

FRATERNITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with