^

PSN Opinyon

EDITORIAL - Matinding leksiyon sa mga taga-Marawi

Pilipino Star Ngayon
EDITORIAL - Matinding leksiyon  sa mga taga-Marawi

NOONG Mayo 23, 2017, hindi inaasahan ng mga taga-Marawi na biglang magbabago ang takbo ng kanilang pamumuhay. Parang bangungot na hanggang ngayon ay kanila pang kinatatakutan. Sumalakay ang Maute Group sa tulong ng Abu Say­yaf at ISIS. Sa isang iglap naging war zone ang kanilang lungsod.

Sinunog ng mga terorista ang kanilang mga bahay, simbahan at pati mosque. Hinostage ang mga tao sa isang ospital at tinaniman ng bomba ang mga kalsada. Nasorpresa ang Armed Forces of the Philippines at hindi malaman kung paano papasukin ang mga terorista na naglungga sa mga gusali at mosque. Nag-evacuate ang mga tao sa takot na maipit sa labanan. Humantong sila sa evacuation centers. Siksikan sila roon.

Nangyari ang lahat ng iyon habang nasa Russia si Pres. Rodrigo Duterte. Tila tinaon na wala ang Presidente. Pero tinapos ng Presidente ang pagbisita at agad umuwi para malaman ang sitwasyon. Idineklara niya ang martial law sa Marawi at iba pang lugar para mapigilan ang paglawak ng terorismo.

Maraming sundalo ang dineploy sa Marawi. Pinatindi ang air strike, Pinuntirya ang mga gusali na pinagtataguan ng Maute. Napatay sina Isnilon Ha­pilon at Omar Maute. Si Hapilon ay dating lider ng Abu Sayyaf at tumatayong pinuno ng ISIS. Ganunman, kahit napatay ang dalawa, patuloy pa rin ang Maute sa pakikipaglaban. Tila hindi nauubusan ng bala at suplay ng pagkain. Parang napag-aralan na nila ang lahat para tumagal sa labanan.

Pero dumating din ang kanilang wakas sapagkat marami sa mga miyembro ng Maute ang nalagas. Pati ang ama ng Maute brothers ay nahuli at napa­tay. Hanggang pati ang ina ay naaresto.

Tumagal ng limang buwan ang bakbakan. Kalunus-lunos ang tanawin nang mapawi ang usok. Butas-butas na mga bahay, gusali at mosque. Hindi na mapakinabangan pa ang mga ito. Ganunman, kahit na dineklarang tapos na ang giyera, hindi pa rin hinayaang makapasok sa Marawi ang mga tao. Delikado sapagkat maraming nakatanim na bomba.

Matinding leksiyon ang natutuhan ng mga taga-Marawi sa pangyayaring iyon. Dapat naging mapagmatyag sila sa mga taong pumapasok sa kanilang lungsod. Hindi sana nakapasok ang mga terorista kung naging alerto sila. Nalusutan sila at sinira ang kanilang buhay at mga ari-arian. Nasa kanilang isipan ngayon, hindi na mauulit ang karahasang iyon!

vuukle comment

ABU SAY­YAF

ISIS

MARAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with