^

PSN Opinyon

Sapat nang impormasyon?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

KINUMPIRMA ni Special Assistant to the President Bong Go na nabakunahan ng Dengvaxia ang bunsong anak at dalawang apo ni Pres. Rodrigo Duterte. Wala pa namang masamang epektong nangyari sa kanila. At sigurado ako na marami, baka nasa daanglibong nakatanggap ng Deng­vaxia ang hindi naman nakaranas ng masamang epekto dulot ng bakuna.

At uulitin ko, sa ngayon, wala pang ibang bansa na may kontrobersiya sa Dengvaxia. Kahit ilang beses ako maghanap sa internet ng balita tungkol sa Dengvaxia, lahat ay tungkol sa mga isyu sa Pilipinas. Kaya nagta­taka talaga ako kung bakit malaking isyu pa rin sa atin. Kahit sa Pilipinas ay wala pang opisyal na kumpirmas­yon na ang Dengvaxia ang dahilan ng pagkamatay ng mga bata.

Ayon sa DOH, 11 sa 87 namatay na nabakunahan ng Dengvaxia ang nagka-dengue. Ayaw namang ideklara na “failure” ang bakuna dahil sa liit ng bilang. Ang dapat ngang ilabas na impormasyon ay kung nabawasan ang mga kaso ng dengue sa mga lugar kung saan maraming­ nabakunahan ng Dengvaxia. Ayon sa datos, higit 800,000 ang nabakunahan. Ilan sa kanila ang nagka-dengue? Nakatulong nga ba? 

Hindi ko alam kung bakit ngayon lang ipinaalam sa publiko na nabakunahan ng Dengvaxia ang ilang miyembro­ ng unang pamilya. Sapat na kaya ang impormasyong ito para bigyan ng kumpiyansa ang magulang ng mga nabakunahan? Para hindi sila mabahala? Ang Sanofi Pasteur ang dapat managot sa kanilang naantalang pahayag na ang mga nabakunahan na hindi pa nagka-dengue ay maaaring magkaroon ng severe dengue. Pero wala pa talagang koneksiyon ang pagkamatay ng 11 bata sa bakuna. Sana sapat na ang impormasyong ito para hindi na mabahala ang mga magulang, dahil sa ingay ng iba.

vuukle comment

DENGVAXIA

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with