^

PSN Opinyon

Mga ‘anay’ sa PNP

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KAHAPON, iniharap sa media ang dalawang AWOL na pulis na responsible sa pagre-recycle ng shabu. Kinilala ni Calabarzon director C/Supt. Guillermo Eleazar ang dalawang pulis na sina PO2 Benjo Sionilo, 31, naka-assign at Antipolo City Police at PO1 Ivan Henrick Tayas, 33, ng Rodriguez police. Ayon kay Eleazar, ang dalawa ay “anay” sa Philippine National Police kaya sisiguraduhin niyang hindi na makalalabas ng kulungan ang mga ito.

Naaresto ang dalawa matapos magsagawa ng buy bust operation ang Provincial Intelligence Drug Enforcement Unit sa Metro Montana Apartment, Bgy. Burgos. Nakuhanan sila ng limang piraso ng plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang droga, service fire arms na 9mm at mga bala. Ayon kay Eleazar ang pagkaaresto sa dalawang “anay” sa PNP ay dahil sa i-text mo kay Eleazar hotlines. Malinaw na taumbayan na mismo ang nagbi­bigay ng impormarmasyon kaya madali nang mahuli ang mga criminal at mga abusadong pulis sa lalawigan.

Dahil dito, tumaas ang pagtingin ng mga taga-Calabarzon kay Eleazar at mga pulis nito dahil wala silang sinasanto kahit na kabaro pa nila ang makakasagupa.  Dahil dito, bumaba sa 10 porsiyento ang kriminalidad sa Calabarzon, Malinaw na nagtatrabaho ang mga pulis­ sa naturang mga lalawigan. Mula nang pamunuan ni Elea­zar ang PNP Region 4A sunud-sunod na ang accom­plishment nito. Na nuetralized ang mga kilabot na kriminal at mga high value target na matagal nang naglulungga sa lalawigan.

Noong Abril 19, 2018, sa araw ng pagtanggap ng res­ponsibilidad ni Eleazar sa Calabarzon, sinabi niya, “Kayong mga kriminal, masasamang loob, mga pusher­ at tiwaling pulis, umalis na kayo rito o itigil n’yo ang mga masamang balak, dahil abot ko kayo. Ngunit  kayo  namang  mabubuti at magagaling na pulis sa hanay natin,  ipagpatuloy  n’yo lang  ang magandang trabaho n’yo, at wag mag-alala,  abot ko rin kayo.”

Ngayon, isang buwan matapos ang kanyang talumpat bumaba na agad ang crime against persons by 10% kumpara sa nakaraang buwan, mula sa 425 incidents noon at 382 incidents na lang ngayon; at sa crime against property, mula sa 418 incidents  hanggang 374 incidents na lang ngayon – patunay  nga na “abot”  ni Eleazar  ang mga criminal sa rehiyon. “Unang  kautusan ko sa mga provincial directors natin ay ang police visibility at presence. 

Malaking deterent sa  krimen yan.  Sabi ko sa kanila, iikot ako kahit gabi,  para makita ko sino at aling mga lalawigan ang mga may  patrolyang pulis sa lansangan at sino ang wala,” sabi ni Eleazar.  “Pag nakita kong wala o kulang yong patrolya at pulis sa lansangan, mamalasin kayo,” dagdag ni Eleazar. Isang prayoridad pa rin ni Eleazar ang anti illegal drug war. “I also ordered our police to intensify the war versus drugs. Yan pa rin  ang unang priority ng ating Presidente  Duterte at hindi dapat mawala angfocus natin diyan,”ani Gen. Eleazar. Pinaigting  ni Eleazar ang mga operasyon ngkapulisan ng rehiyon. Ang unang ginawa ni Eleazar ay mag conduct ng command conference sa bawa’t  isang probinsiya  sa ilalim  ng rehiyon, upang magkaliwanagan sila ng mga mga opisyal ng bawa’t probinsiya,  kung ano ang mga polisiya, goals at expectations niya sa bawa’t provincial director ng rehiyon.At dahil naka-focus din si PNP chief Director General Oscar Albayalde  sa mga tiwaling pulis, agad namang inilunsad ni Eleazar ang isang hot line program kung saan puwedeng mag text at magsumbong ang mga mamamayan sa kanya laban sa mga abusadong pulis at mga pusher. Kaya isang buwan pa lang, kita na at ramdam naagad ang kamay ni Eleazar­ sa laban kontra krimen at illegal na droga. At totoo sa kanyang salita, isang buwan pa lang si Eleazar sa PNP Region 4A, nakita na niya ang magagandang trabaho ng mga pulis sa ilalim niya.

vuukle comment

AWOL

GUILLERMO ELEAZAR

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with