^

PSN Opinyon

EDITORYAL – National ID system

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � National ID system

BAGO matapos ang 2018, pasado na ang national ID system. Ito ang sinabi ni Sen. Panfilo Lacson makaraang pumasa ito sa bicameral body noong Martes. Ayon kay Lacson, chairman ng Senate public­ order and safety, nagkasundo na ang Senado at House of Representatives sa common version ng bill. Sa pinagkasunduan, tanging ang ilalagay sa ID ay ang buong pangalan, petsa ng kapanganakan, saan ipinanganak, tirahan, nasyonalidad at ang biometric information. May inisyal na pondong P25 billion ang national ID system. Sabi ni Lacson, sa pagkakaroon ng iisang ID na naroon ang impormasyon magiging convenient ang lahat. Hindi na kailangang magdala nang maraming ID.

Maganda kung maipapasa na ang panukalang ito at magkakaroon na ng national identification ang mga Pilipino. Sa ibang bansa, matagal nang may national ID ang mamamayan at Pilipinas na lang ang wala pa. Kapag nagkaroon ng katuparan ang national ID system magiging mabilis na ang tran­saksiyon ng mamamayan.

Matagal nang isinusulong ang national identification system sa bansa. Ilang Presidente na ang nagbalak nito na ang tanging layunin ay para mapabilis ang transaksiyon at para na rin sa seguridad ng mamamayan. Wala raw dapat ikatakot sa pagkakaroon ng national ID. Ang mga tumututol lamang daw dito ay yung may mga itinatago o ginagawang illegal. Kung wala namang masamang ginagawa, walang dapat ikatakot sa pagkakaroon ng national ID.

Pero kahit na gaano kaganda ang paliwanag at plano para rito, balewala sapagkat sabi ng mga tutol, lalabagin ang karapatan ng mamamayan. Kapag may national ID, maaari nang panghimasukan ang mamamayan. Malalaman na raw ang lahat ng impormasyon ng indibidwal. Hindi raw maganda ito sa bansang demokratiko.

Marami pang argumento ang mga tutol sa national ID. Marami silang sinasabi na masama ang kahahantungan kapag ipinatupad ito. Hindi raw dapat pumayag ang mamamayan sa panlalansi ng pamahalaan.

Kapaki-pakinabang ang pagkakaroon ng national ID lalo pa’t ngayon ay laganap ang kriminalidad at ang pag-usbong ng terorismo. Kapag naipasa ang national ID, mahihirapan nang makalusot ang mga halang ang kaluluwa. Dapat suportahan ang panukalang ito. Ang dapat lamang siguruhin ng pamahalaan kapag naipatupad ang national ID ay hindi ito mapepeke.

vuukle comment

NATIONAL ID SYSTEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with