^

PSN Opinyon

‘Ugat ng problema’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

BAGO pa tawaging Philippine National Police, nauna muna itong Hukbong Pamayapa ng Pilipinas o mas kilala sa tawag na Philippine Constabulary. Kalauna’y isinanib ito sa INP o Integrated National Police. Ang mga miyembro nito ay kilala ng henerasyon ngayon bilang mga bete­rano. Mga bayaning itinuturing na nanilbihan sa ating bansa para mapanatili ang kaayusan at kapayapaan.

Bago maging parte ng hukbong sandatahan, kinaka­ilangan mo munang sumailalim sa matinding training o pagsasanay. Dito masusubok ang iyong katatagan at katapangan bago ka maging isang ganap na pulis o sundalo.

Problema, sa paglipas ng panahon ‘tila napag-iiwanan din ang ating sariling hukbo. Mismong si President Rodrigo Duterte pinintasan ang kalidad ng mga bagitong lespu. Ang itinuturong dahilan ng Pangulo, ang ‘alang ka-kwenta kwentang training para sa mga ito. Sang ayon ako sa pahayag na ito ng Pangulo. Saan ka ba naman kasi nakakita ng mga pulis na ‘alang ginagawa. Imbes na rumonda sa gabi, nagpapalakasan pa ng hilik. Nakatambay sa mga police station at nagpapalaki ng kanilang bombolyas.

‘Di ko naman nilalahat, dahil marami pa ring matitinong pulis at tapat sa kanilang serbisyo. Sadya lamang talagang may iilan na bagsak at palpak. Kung tutuusin ‘di kuwalipikado pero pumapasa. Dahilan para maging kwestyunable ang estilo ng recruitment sa ating PNP.

Gusto n’yong malaman kung ano ang ugat ng problema? Balikan natin ang administrasyon ni dating Presidente Cory Aquino. Sa pag-upo ng naturang Presidente, isa sa mga binago niya ay ang hanay ng pulis. Binaba ang pamantayan ng training, disiplina at mentalidad ng mga lespu.

Ang dahilan, malinaw na pulitika. Sobra ang galit niya sa pinalitan niya sa pwesto na si President Marcos at sa martial law. Kaya ayaw na raw niyang maulit ang ka­ra­­hasan noong panahong ito. Resulta, ang pulis natin ngayon naging sophisticated, less quality discipline, less quality training. Imbes na military-type structure naging civilian-type structure.

Sa totoo lang, ‘ala namang mali sa civilian-mentality character. Pero bilang parte ng hukbong sandatahan, ‘di sapat ang pagiging civilian and people friendly lang. Kinakailangan na ang disiplina at training ay manatiling militar.

Sa panukala kong ito, siguradong marami ang kokontra. Pero sigurado ako na ito ang pagbabagong kinakailangan ng ating mga pulis ngayon. Kahit si President Digong at PNP Chief Albayalde, sasang-ayon sa aking mga sinasabi.

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with