^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Nasan na ang P80-M?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Nasan na ang P80-M?

NAGBITIW na ang actor na si Cesar Montano bilang chief executive officer ng Tourism Promotions Board (TPB). Ibinigay niya ang resignation letter kay President Duterte na agad namang tinanggap. Ang pagbibitiw ni Montano ay kasunod nang lumabas na report ng Commission on Audit (COA) na nagbayad ang TPB ng P80-milyon sa producer ng video campaign “Buhay Carinderia” para i-promote ang street food sa bansa bilang tourist attraction. Kinukuwestiyon ng COA ang pagbabayad ng TPB sa campaign gayung hindi pa ito kumpleto. May paglabag umano rito sapagkat kailangang tapos na ang campaign ad bago bayaran ang producer.

Ganunman, hindi malinaw kung ang pagbibitiw ni Montano ay may kaugnayan sa P80-milyon pay­ment o sa direktiba ni bagong Tourism Secre­tary Bernadette Romulo-Puyat na kailangang mag­bitiw ang lahat nang undersecretaries at assistant secretaries para magkaroon siya nang malayang paglilinis o pagrereporma sa departamento.

Ayon kay Romulo-Puyat, napaiyak siya nang madiskubre ang mga katiwalian sa hinahawakang tanggapan. Matagal umano siyang humawak ng tungkulin sa Department of Agriculture pero sa pag-upo sa DOT ngayon lang umano siya naka­kita nang matinding corruption. Iyon marahil ang dahilan kaya siya napaiyak. Siya ang pinili ni President Duterte makaraang magbitiw si dating Tourism Sec. Wanda Teo kaugnay sa P60 milyon placement ads sa PTV4 kung saan may programa ang kanyang mga kapatid.

Batbat ng corruption ang DOT at kinakailangang ireporma ito ni Romulo-Puyat. Dapat namang kumilos ang Ombudsman sa kaso ni Montano. Hanggang ngayon, hindi malinaw ang dahilan kung bakit siya nagbitiw bilang opisyal ng TPB. Dapat magkaroon ng kasagutan ang P80-milyon na binayad ng kanyang tanggapan para sa campaign ads. Pera ito ng taumbayan at dapat malaman ang kinahantungan nito. Dapat itong maisauli sapagkat kuwestiyunable ang pinagkagastusan.

vuukle comment

TOURISM PROMOTIONS BOARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with