^

PSN Opinyon

Ang ‘palakol’ ni Duterte

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

LUBHANG abala si Presidente Duterte sa pagwasiwas ng kanyang matalas na “palakol” para pagulungin ang ulo ng mga kurakot sa kanyang administrasyon.

Halos araw-araw ay may mga nagbibitiw na matataas na opisyal ng pamahalaan kagaya ng actor na si Cesar Montano na nadawit sa P320-milyong food program ng Department of Tourism (DOT).

Kasabay nito ay sinibak sa tungkulin ng Pangulo ang Assistant Secretary ng Department of Tourism na si Mark Tolentino dahil kinausap umano ng huli ang isang kaanak ng Pangulo para makiusap tungkol sa isang proyekto. Iyan ay isang estilong hate na hate ng Pangulo. Yung ka­kausapin ang kanyang mga kaanak para makiusap sa mga proyekto.

Iyan lagi ang option na ibinibigay ng Pangulo sa mga opisyal na sa tingin niya ay tiwali: Magresign o masibak. Yung iba, para hindi madungisan ang service record ay nagbibitiw na lang sa puwesto.

Ngunit kung may katotohanan ang mga alegasyon sa mga nasisibak at nagbibitiw na opisyal, sapat na ba ang matanggal sila sa puwesto? Paano na yung mala­king­ halagang kanilang natangay? Sana naman ay may mabalitaan din tayong pagsasampa ng kaso laban sa mga taong ito, hindi lamang para mabawi ang kinurakot na pondo kundi para maparusahan ang mga gumagawa ng katiwalian.

Nakakalungkot na sa tuwing gipit ang pamahalaan, nagtataas o nagpapataw agad ng bagong buwis ang gob­yerno na ang apektado ay maliliit na mamamayan. Ngu­nit ang malaking problema, ang pondo ng bayan ay kinukurakot lang ng mga nakapuwesto sa pamahalaan. Kagaya ngayon, pinag-uusapan ng mga mambabatas ang pagrepaso sa TRAIN law na ngayo’y nagbubunga na ng pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin. Kung tutuusin, hindi naman dapat magdagdag ng buwis ng nakukulekta ito ng tama at hindi nadudugas ng mga dorobo sa pamahalaan.

vuukle comment

CESAR MONTANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with