^

PSN Opinyon

EDITORYAL – ‘Inidoro’ ang Manila Bay

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � �Inidoro� ang Manila Bay

KUNG ang Boracay ay inihalintulad ni Pres. Rodrigo Duterte sa poso-negro o “cesspool”, ang Manila Bay naman para sa isang environmentalist ay isang inidoro na hindi naipa-flushed. At maiima­dyin kung ano ang itsura ng inidoro na hindi naipa-flushed ang dumi. Kakadiri! Kung ganito karumi ang Manila Bay, mas matindi pa pala ito kaysa Boracay.

Sabi ng environmentalist lawyer at Ramon Magsaysay awardee Ramon Oposa, masyado nang ma­taas ang bacterial levels sa Manila Bay. Mula sa 1 million MPN/100 ml ng fecal coliform, ngayon ay 5 million MPN/100 na ito mula pa 1999. Ang fecal coliform ay iba’t ibang uri ng bacteria na matatagpuan sa dumi ng tao at hayop.

Humarap sa pagdinig ng Senado si Oposa kaugnay sa rehabilitasyon ng Manila Bay noong Lunes. Ipinatawag si Oposa ni Sen. Cynthia Villar, committee chair ng Senate environment and natural resources. Si Oposa ang nag-file ng kaso sa Supreme Court para sa agarang paglilinis ng Manila Bay noong 1999 na noon ang level lamang ng coliform ay 1 million. Ang coliform level para sabihing safe na paliguan ang Manila Bay ay 200 MPN/100 ml.

Mabagal ang ruling ng SC sapagkat inabot ng isang dekada bago nagawang utusan ang 13 go­vern­ment agencies na linisin ang Manila Bay. Nag­kabisa ang utos noong Disyembre 2008. Kabilang sa mga inatasang maglilinis sa Manila Bay ang Department of Environment and Natural Resources, Metro Manila Development Authority, Department of Interior and Local Government at iba. Pero hindi lahat ay tumalima sa kautusan.

Nabatid sa inquiry, na nabigo ang mga inatasang ahensiya ng pamahalaan na pigilan ang pagtatapon ng dumi sa Manila Bay. Napag-alaman na ang mga informal settlers o squatters sa Port of Manila ang nagtatapon ng dumi sa dagat. Ang mga dumi at basura nila ay deretso sa dagat. Ngayon, mas marami ang nagdudumi sapagkat kumapal ang squatters sa baybayin ng Manila Bay.

Malaking inidoro ang Manila Bay na hindi naipa-flushed. Kung patuloy na magiging inutil ang mga ahensiya ng pamahalaan at hindi makokontrol ang mga iresponsableng mamamayan sa pagtatapon ng dumi at basura, kahiya-hiya at kadiri-diri ang Maynila.

vuukle comment

MANILA BAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with