^

PSN Opinyon

Diño isusubpoena ng Mababang Kapulungan

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NATURAL na magalit ang mga Mambabatas sa Mababang Kapulungan sa pahayag ni DILG Undersecretary Martin Diño na  may isandaang Kongresista ang dawit sa electioneering noong nakaraang Barangay at Sanggu­niang Kabataan polls.

Aba’y mahigit lamang sa dalawangdaan ang mga Kongresista tapos yung isandaan sa kanila ay isasabit pa sa ganyang anomalya! Oo nga’t humingi nang dispensa kamakailan si Diño pero wika nga, the damage is done.

Kaya kinukonsidera ngayon ng Mababang Kapulu­ngan na isubpoena si Diño para magkaliwanagan. Kasi, hindi lamang mga mambabatas ang naapektuhan ng ma­lawakang alegasyon kundi ang buong institusyon.

Hindi kasi pinangalanan ni Diño ang mga inaakusahang mambabatas kaya lahat tuloy ng mga kasapi ng Kamara de Representante ay pinagdududahan na ng publiko. Masyadong sweeping ang alegasyon ni Diño at naniniwala akong hindi makatarungan ito sa mga ino­sen­teng Mambabatas.

Maaaring totoo ang akusasyon pero hindi tama na ang buong Mababang Kapulungan ay mabahiran ng masa­mang paghihinala. Ang magandang gawin ni Diño ay pangalanan ang mga inaakusahan kung may matibay siyang ebidensya at sampahan ng karampatang kaso.

Kung minsan kasi, sa excitement ng isang public official na may masabi sa mass media ay hindi na muna tini­timbang ang magiging konsekuwensya nito. Inuulit ko, sa ganyang mabigat na alegasyon ay kailangang mag­hain ng kaukulang reklamo laban sa mga inaakusahan para maiwasang madungisan ang reputasyon ng alinmang institusyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with