^

PSN Opinyon

Lumapag na

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SA unang pagkakataon, lumapag sa Woody island sa Paracels ang isang H-6K war plane ng China. Ang H-6K ay hindi ordinaryong eroplanong pandigma. Ito ay isang bomber na may kakayanang magdala ng nuclear na bomba. Ang distansiya na kayang marating ng H-6K ay higit 1,500 kilometro. Kaya kung sa Woody island manggagaling, kaya nang abutin ang kahit saan sa bansa. Sinasabi pa nga na hanggang hilagang bahagi ng Australia at Guam ay mukhang maaabot na ng eroplano.

Ang pahayag nga ng People’s Liberation Army Air Force (Plaaf) ay ginawa nila ang pagsasanay na makalapag sa nasabing isla, para mas maabot at mabantayan ang lahat ng kanilang teritoryo, at para mapaghandaan ang laban para sa South China Sea. Hindi ko alam kung sino naman ang pinaghahandaan nilang laban. Ang tanging makakaharap sa militar ng China ay ang US. Baka sila nga ang tinutukoy.

Wala naman akong inaasahang pahayag mula sa administrasyong ito. Ang maririnig lang natin ay wala na­man tayong magagawa dahil mahina tayo at walang laban sa China. Baka sabihin na hindi naman target ng China ang Pilipinas, na magbibigay pa nga ng proteksiyon ang China kay President Duterte kung may magpapatalsik sa kanya. Ano kaya ang pinag-uusapan sa Hawaii? Nasa Hawaii si DFA Sec. Alan Peter Cayetano para makipagpulong sa mga bagong opisyal ng US Pacific Command. Ano kaya ang sasabihin ng mga opisyal ng Pacific Command, kung hindi naman umaalma ang Pilipinas sa mga kilos-militar ng China? May kaugna­yan pa ba ang US at Pilipinas? Katatapos lang nga ng Balikatan pero wala tayong narinig mula kay Duterte. Pinaubaya na lang sa mga militar.

Binatikos naman ng US ang “patuloy na militarisasyon ng China” ng mga isla sa karagatan. Pinaalala ang pa­ngako ni Pres. Xi Jinping kay dating Pres. Barack Obama na hindi gagawin ang militarisasyon ng rehiyon, para malaya ang paglayag at paglipad dito. Hindi ito ang unang pagkakataon na hindi tumupad ang China sa kanilang sinasabi. Ngayon, tila palaban na nga pag dating sa South China Sea. Tila sinasabi sa lahat ng umaangking bansa sa karagatan, na kung kaya ninyo kaming patalsikin, subukan ninyo. Ano kaya ang sinasabi ng Vietnam nga­yon? Malapit sa kanila ang nilapagan ng H-6K bomber.   

vuukle comment

H-6K WAR PLANE OF CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with