^

PSN Opinyon

Sayang!

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HINDI man lang umabot ng isang buwan, tatlong araw na lang nagka-barberya este mali aberya pa pala ang Metro Rail Transit Line 3 kaya naman pinalayas ang may 1,000 pasahero sakay nang train.

Sabi nga, baba lahat!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, buti na lamang at walang ulan dahil kung nagkataon basang-basa ang mga pobreng alindahaw.

Alam ninyo ba 27 days alaws aberya ang train kaya lang sa natitirang tatlong araw doon pa dumaplis ito kaya sabit ang magandang panaginip ng DoTr na ayos na sana.

Sabi nga, goodbye aberya na sana!

Hay, naku buhay nga naman sa Philippines my Philippines.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi natin masisisi ang bagong handlers ng train dahil ginagawa nito lahat ang nararapat para tumirik este mali gumanda pala ang takbo ng pampasaherong train.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, umaga pa lang ang nagka-barberya este aberya pala ang train sa may southbound kaya naman pinalayas sa loob ang mga pobreng alindahaw habang nasa Araneta Center-Cubao Station sa Kyusi sila.

‘Ano na naman ang problema?’ tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Sagot - door failure daw?

Sana matapos na ang problema para hindi magkahetot-hetot ang mga pobreng alindahaw na sakay nito.

Abangan.

137 ni Valero, bukas na sa southern metro

KINALAMPAG ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tungkol sa jueteng operations ng bagong bangka sa southern metro na si alyas Valero inumpisahan na daw ito yesterday.

Paano?

Sabi ng mga nagyayabang na aso ni Valero, binigyan na umano sila ng basbas ng NBI para buksan ang dayaan bolahan sa Muntinlupa, Taguig, Las Piñas, Makati at Parañaque.

Ika nga, nag-name dropping pa ang mga kamote.

Ayon sa mga tuta nito, naayos umano nila ang PNP sa southern metro kaya naman tuloy ang ligaya nila sa dayaan bolahan porke malaking salapi daw ang inilatag nila para buksan ang jueteng ni Valero. Take note, NCRPO chief Camilo Cascolan, Sir!

‘Isang alyas ‘Pikoy’ kung tawagin sa kapulisan ang nakapatong sa sugalang ito kaya naman dapat itong timbugin ng CITF.’ sabi ng kuwagong mangungulimbat.

Nakausap din ng grupo ang isang alyas Cendeno para siya ang magbulong sa itaas na huwag pakialaman ang dayaan bolahan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang alyas Baby Marcelo, daw ang gumigiya sa jueteng operations sa southern metro at ang mga bata niya ang mga julalay.

Sabi nga, kaya malalakas ang loob.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ikinanta ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang lungga ni Baby sa Rockwell at dito niya kinakausap ang mga gambling lords sa Metro - Manila, na gustong maglatag ng iligal na sugalan at iba pang mga illegal vices.

Abangan.

vuukle comment

METRO RAIL TRANSIT LINE 3

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with