^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Pinatakbo para makakurakot

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Pinatakbo para  makakurakot

SA bibig mismo ni Pres. Rodrigo Duterte nangga­ling na yung mga taong kumumbinsi sa kanya para tumakbo sa presidential elections na inilagay naman niya sa puwesto ang naaakusahan ng korapsiyon. Sabi ng Presidente, nakakalungkot sapagkat ang mga taong akala niya ay makakatulong sa pag­lutas sa corruption ang lumalabas na mga corrupt. Pero kahit pa raw kaibigan o ka-brod sa fraternity ay hindi niya kukunsintihin. Kapag naka­amoy siya ng singaw ng korapsiyon sa tanggapan, sisibakin agad niya. Wala nang tanung-tanong pa. Kaya ang payo niya sa naaakusahan ng katiwalian, magbitiw na sa puwesto bago pa niya ipahiya.

Nakakalungkot talaga ang nangyari na kung sino ang mga atat na atat na patakbuhin si Duterte ay mga lumalabas na corrupt ngayon. Malinaw na kinumbinsi si Duterte para nga naman, maging malaya sa pangungurakot. Pero nagkamali sila sapagkat walang kai-kaibigan kay Duterte. Kapag corrupt, sibak agad. Wala nang kuwestiyon pa.

Kahapon, isang Assistant Secretary ng Department of Transportation ang sinibak ni Duterte sa puwesto. Nakilala ang opisyal na si Asec. Mark Tolentino. Ayon kay Duterte, kinausap umano ni Tolentino ang kapatid niya tungkol sa isang project ng gobyerno. Gustong makakopo ng project ang assistant secretary.

Noong Sabado, nang magsalita sa isang pagtitipon sa Cebu City, sinabi ni Duterte na lima pang opis­­yales ang kanyang sisibakin sa puwesto. Inaaku­sa­han umano ng corruption ang mga opisyal.

Dalawang linggo na ang nakararaan, nagbitiw si Tourism Sec. Wanda Teo dahil sa P60-milyong place­ment ad sa PTV4 kung saan may programa ang kanyang mga kapatid. Nagbitiw din si DOJ Sec. Vita­liano Aguirre dahil sa pagkaabsuwelto ng drug lord at ilan pang anomalya sa kagawaran.

Marami nang sinibak si Duterte at nararapat lamang ito. Matutuwa ang mamamayan kung malilipol ang mga taong pinasusuweldo ng taumbayan pero pangungurakot pala ang pinagkakaabalahan. Ginawa pang tulay si Duterte para makakurakot pero hindi sila nakaporma sa Presidente.

vuukle comment

CORRUPTION

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with