^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Kahit nasa narco-list binoto pa rin at nanalo

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Kahit nasa narco-list binoto pa rin at nanalo

DALAWANG araw bago idaos ang barangay elec­tions, inilabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang listahan ng mga kandidatong sangkot sa illegal na droga. Karamihan sa mga nasa listahan ay tumatakbong barangay chairman. Ilan sa nasa narco-list ay mga reeleksiyunista.

At nakagugulat ang resulta ng barangay election sapagkat marami sa mga nasa narco-list ang nanalong barangay chairman. Nakapanumpa na ang ilan sa kanila. May mga nanalo ring kagawad.

Sabi ng PDEA, 60 ang nanalo sa barangay at Sangguniang Kabataan elections at ang mga ito ay nasa kanilang narco-list. Ayon kay PDEA Director Aaron Aquino, sa 60 nanalo, 36 dito ang ba­rangay kapitan at 24 ang kagawad.

Sa kabila na inilabas ng PDEA ang listahan ng mga kandidatong sangkot sa droga, marami pa rin ang bumoto sa mga ito. Hindi natinag ang botante kahit na pinangalanan ng PDEA ang mga kan­didatong sangkot sa illegal na droga. Iniluklok pa rin nila at buong-buo ang tiwala. Hindi sila naniniwalang sangkot sa droga ang kanilang kandidatong chairman at kagawad.

Sabi ng PDEA, maraming beses nilang benirepika ang mga nasa drug list kaya walang duda na totoong sangkot sa droga ang mga kandidato. Katunayan, inihahanda na nila ang kaso sa mga ito. Sa mga susunod na araw magugulat na lamang ang mga nasa drug list sapagkat kakasuhan na sila. Ke nanalo o natalo, sasampahan umano ng kaso ang mga kandidatong nasa drug watch list.

Nakapangangamba kung ang nailuklok ay sangkot sa droga. Sabagay kung totoo nga na ang na­iluklok ay sangkot sa droga, walang ibang dapat sisihin kundi ang mga bumoto rito. Magtiis sila sa pamumuno ng kanilang barangay officials na pinatatakbo o pinagagalaw ng drug syndicate. Sila ang apektado ng kanilang maling pagboto. Sila rin ang magdurusa sa maling desisyon sa pagluluklok ng pinuno sa barangay.

vuukle comment

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with