^

PSN Opinyon

China militarization Sa West Philippine Sea

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAGLULUBHA ang ginagawang militarisasyon ng China sa karagatang saklaw ng ating exclusive economic zone.

Kamakailan, nag-deploy ng mga cruise missiles ang China sa Philippine Reef na tila pinalampas lamang ng administrasyon na parang walang nangyari. Ngayon naman, nagtalaga umano ang China ng mga bomber aircrafts sa bahagi ng pinag-aagawang isla sa nabanggit na karagatan. Kung sa iba marahil nangyari ito, tiyak na gagawa ng diplomatic pro­test ang mga naapektuhang bansa.

Para kay Sen. Panfilo Lacson, dapat nang humingi ng saklolo ang gobyerno ng Pilipinas sa mga kaalyado nitong bansa. Ito ay sa layuning puwersahin ang China na itigil ang militarisasyon sa West Philippine Sea. Hanggang saan magtitimpi ang Pilipinas sa mga paglabag ng China sa inter­national law of the seas? Kailan tayo mababahala para gumawa ng karampatang aksyon?

Panahon na para gumawa ng hakbang, ‘di lamang ang Pilipinas kundi ang iba pang mga apektadong bansa upang mapanatili ang “balance of power” sa Asya. Gaya ng tinuran ni Lacson, hindi natin magagawa ito nang nagsosolo. Kaila­ngan ang tulong ng ating mga kaalyado.

At para saan pa ang ruling ng United Nations (UN) Arbitral Tribunal na nakuha natin sa ilalim ng nakaraang admi­nistrasyong Aquino na pumapabor sa atin?

Nakababahala na talaga. Sa social media posts ng People’s Liberation Army Air Force at state-owned People’s­ Daily, ipinakita ang paglapag ng isang long-range bomber sa Woody Island na bahagi ng Paracel group sa Spratlys.

Ayon naman sa Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI), posible umanong maabot ng bombers ang buong South China Sea. At gaya nang dati, silensyo lang ang admi­nistrasyon. Bakit naman?

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with