^

PSN Palaro

Postponed?

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Malayo ang pinagmulan ng balita.

Sa Argentina pa galing at ang sabi ay postponed daw ang laban ni Manny Pacquiao at Lucas Matthysse na nakakasa sa July 15 sa Kuala Lumpur.

Ayon sa balita, na inulat ng isang TV station sa Argentina, ang bansa ni Matthysse, problema raw sa promotions ang dahilan ng postponement.

Meron daw hindi mapagkasunduan ang MP Promotions ni Pacquiao at ang grupo ng investors sa Malaysia.

Mabilis na pinabulaanan ni Pacquiao ang balita.

Tsismis daw.

Nasa gym tayo nanonood ng ensayo ni Pacman nung Sabado nang umabot sa kanya ang balita.

Wa epek kay Pacman na nagpatuloy sa ensayo sa pamumuno ni Buboy Fernandez at Justin Fortune, ang kanyang conditioning coach.

Matapos ang ensayo, nakausap natin si Pacman sa loob ng dressing room.

Pangiti-ngiti lang siya.

“May gustong mag-sabotage ng fight,” ang sabi niya. 

Kung sino sila, hindi niya sinabi.

May sumasabutahe raw para maguluhan ang fans at mawalan ng interest sa fight.

“San ka ba naman nakakita ng card na may apat na world title fights?” ang tanong ni Pacquiao.

Sa isip niya, kinaiinggitan siya sa nailagay niyang boxing show sa Malaysia sa July 15.

Kaya eto at tininira siya ng tsismis na postponed daw ang laban.

Nagsalita na rin ang kampo ni Matthysse: No problem sa fight. Tuloy.

Sino nga kaya ang gustong sumabutahe?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with