^

PSN Opinyon

Tuloy ang ligaya ng mga Marcos

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

HINDI pa dapat i-abolish ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) hintayin munang matapos lahat ang kanilang mga trabaho. Gaya ng paghahabol sa mga kayamanang ninakaw ni diktador Ferdinand Marcos (FM) sa alkansiya ng bayan. Para sa akin bakit kailangan pang buwagin ang PCGG? Hindi naman ito nagiging sagabal sa gobyerno di ba? Bagkus mababawi lahat ang ninakaw na pera ng bayan.

Ang magiging problema rito ay ang pagiging madikit ni President Digong sa mga Marcos hindi malayong mabalewala lahat ang pagod at hirap sa paghahabol sa kayamanan ni FM. Huwag naman sanang mangyari ang kinatatakutan nang marami na bumalik ang power ng mga Marcos. Nang pumayag si Digong na mailibing si FM sa Libingan ng mga Bayani ay wala tayong nagawa. Nagtagumpay sila habang sarap na sarap sa pagtutol ang sambayanan, naipuslit ang labi ni FM papuntang LNMB.

Maraming bumatikos pero sa bandang huli natunaw ang kuwento. Isa ako sa mga maraming Pilipino na nakasaksi sa mga pangyayari noong martial law. Namatay noon ang freedom of the press. Tameme kaming mga kolumnista dahil hindi puwedeng kontrahin si FM. Ma­rami rin namang peryodista ang naglakas loob na tirahin ang gobyerno pero sila’y nakulong. Mabuti na lang at hindi ako napasama sa kanila dahil isa ako sa mga kontra sa pamamalakad ni FM.

Ngayon, nanganganib mapatalsik si VP Leni Robredo sa puwesto. Kung maipanalo ni Bongbong ang protesta niya kay Leni, dire-diretso ba talaga ang ligaya? Di ba ‘yan ang matagal nang hinahangad ni Digong ang maging bise si Bongbong? Ngayong panahong ito ay para sa mga Marcos dahil lumakas ang kanilang puwersa sa pamamagitan ni Digong at ng isa nilang loyalist na si Solgen Jose Calida.

vuukle comment

PRESIDENTIAL COMMISSION ON GOOD GOVERNMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with