^

PSN Opinyon

Tinangay ng sindikato

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Unang bahagi)

SA ilalim ng “Migrant Workers Overseas Filipino Act of 1995” o RA 8042, kapag mahigit sa dalawang tao ang iligal na nangalap ng mga magtatrabaho, itinuturing na sindikato na sila at may mas mabigat na parusa. Pero kung dalawang tao lang ang nahuli at nilitis, masasabi kaya na ginawa pa rin ito ng sindikato? Ito ang isyu sa kaso ni Bella.

Ang kasong ito ay nangyari sa Mindanao kung saan nakatira si Bella. Noong 2003, kinumbinsi ni Bella si Annie na nagtatrabaho bilang waitress para magtrabaho sa Malaysia dahil marami siyang kakilala na aalis para magtrabaho roon. Sumunod na araw ay dinalaw din ni Bella ang kapitbahay at kaibigang si Betty na saleslady sa Brunei at kinumbinsing magtrabaho rin doon dahil maganda ang suweldo. Tinanggap ni Betty ang alok ni Bella.

Kinabukasan, bumalik sa bahay ni Betty si Bella kasama sina Abdul at Jona na pinakilala niya na siyang magsasama sa kanya sa Malaysia. Pagkatapos ay nagkita-kita sina Betty, Bella, Abdul at Jonas sa isang shopping center kung saan nakilala naman ni Betty si Salim. Ayon kay Salim, madali raw matatanggap sa trabaho si Betty dahil sa angkin nitong taas at ganda. Nagkasundo sila na magkikita muli sa isang parke kung saan naghihintay naman sina Annie at Connie na mga nakumbinsi rin ng mga recruiter. Nagpunta sila sa isang daungan at nakilala naman si Rita na isa rin sa mga inimbitahan ni Bella na magtrabaho sa Malaysia.

Mula sa daungan, sina Annie, Betty, Connie, Rita, Abdul at Jona ay sumakay ng bangka. Hindi nila kasama sina Salim at Bella. Susunod na lang daw ang dalawa na dala ang kanilang mga passport. Dumaong sa Tawi-tawi ang grupo at kinatagpo roon si Salim at isang alias “Taras” na siya raw bahala sa perang gagastusin nila. Dalawang araw matapos noon ay natanggap na nila ang kanilang mga passport mula kay Salim at sumakay ng bus papunta sa Kota Kinabalu kung saan sumakay sila sa isang barge patungo sa Labuan, Malaysia. Tumira sila sa isang hotel ng tatlong gabi. Inutusan ang apat na babae na magdamit ng seksi dahil ipakikilala na sila sa boss nilang si Bembol.(Itutuloy)

vuukle comment

MIGRANT WORKERS OVERSEAS FILIPINO ACT OF 1995

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with